Agaw eksenang costume para sa 'Buwan ng Wika', ginamitan ng totoong manok

Agaw eksenang costume para sa 'Buwan ng Wika', ginamitan ng totoong manok

- Agaw pansin ang isang costume para sa 'Buwan ng Wika' dahil sa gumamit ito ng buhay na manok bilang headdress

- Inakala ng marami na di totoong manok ito hanggang sa ito ay gumalaw at ipinagaspas pa ang kanyang pakpak

- Naaliw naman ang mga netizens dahil sa kakaibang konsepto na ito ng nagsuot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang education student ang umeksena sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa kanilang paaralan dahil sa naiibang costume nito.

Sa kanya mismong Facebook page, binahagi ni Janelle Sandoval ang kanyang "sarimanok" inspired costume kung saan gumamit ng totoong manok.

Sa una'y aakalaing pekeng manok ang ginamit bilang headdress ni Janelle ngunit nang gumalaw na ito at nagpagaspas ng pakpak, napatunayang niyang tunay ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Una itong nakita sa post ng kaibigan niyang si Marlou Sanoy noong Agosto 30.

Ayon sa Cebu Daily News, pinaghandaan daw talaga ng magkakaibigan nina Marlou at Janelle ang pagsusuot ng iba't ibang national costume ng bansa.

Laking gulat nila nang tila kinarir ito ni Janelle at gumamit pa ito ng buhay na manok.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman namangha ang mga estudyante ng University of Visayas na nakakita sa costume na ito ni Janelle at na ginamit pa ang panabong na manok ng kanyang ama.

Mabuti na lamang daw at tila behave ang manok at nakisama sa pagrampa ni Janelle para sa programa sa kanilang paaralan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms.

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel