Indonesian boy at Austrian girl na laging magka-duet sa singing app, kasal na

Indonesian boy at Austrian girl na laging magka-duet sa singing app, kasal na

- Sa kasalan din nauwi ang pag-iibigan ng magkaibang nasyunalidad na magkasintahan na nagkakilala lamang sa singing app

- Laging magka-duet ang dalawa kaya naman mabilis na nahulog ang loob ng babae sa lalaki

- Sobrang mahal ng babae ang lalaki kaya naman lumipad pa ito mula Austria patungong Indonesia para sa kanilang pag-iisang dibdib

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang halos di makapaniwala sa love story ng isang Indonesian na lalaki na si Bambang “Awan” Irawan at si Arzum Balli na taga Austria na nagkakilala lang sa isang singing app.

Binahagi ng Buzzook ang kakaibang kwento ng dalawa kung saan madalas lamang silang magka-duet sa singing app na Smule.

Hanggang sa nahulog na ang loob ng isa't-isa at naging magkasintahan.

Indonesian boy at Austrian girl na laging magka-duet sa singing app, kasal na

Sina Awan at Arzum
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Dahil sa sila ay nagmamahalan, nagplano si Arzum na pumunta ng Indonesia.

Di makapaniwala noong nuna si Awan na kaya itong gawin ng kanyang kasintahan lalo pa at aminado naman si Awan na isa lamang siyang tagalinis sa kanilang lugar.

Indonesian boy at Austrian girl na laging magka-duet sa singing app, kasal na

Street cleaner ang pawang na ikinabubuhay ni Awan sa Indonesia
Source: Facebook

Wala raw kasing sumeseryoso sa kanyang babae dahil na rin sa estado niya sa buhay.

Ngunit di alintana ang lahat ng ito kay Arzum. Lumipad siya mula Austria patungong Indonesia upang patunayan kay Awan na tunay niyang minamahal ito.

Indonesian boy at Austrian girl na laging magka-duet sa singing app, kasal na

Indonesian boy at Austrian girl na laging magka-duet sa singing app, kasal na
Source: Facebook

Di rin naging madali para sa dalawa na panindigan ang kanilang relasyon.

Umpisa pa lang, tutol na ang mga magulang ni Awan sa balak na pagpapakasal ng dalawa dahil di nila lubos maisip na isang Austrian ang mahuhumaling ng ganito sa kanilang anak.

Matapos maasikaso ng dalawa ang mga papeles na kanilang kailangan sa pag-iisang dibdib, natuloy din ang kanilang kasalan.

Indonesian boy at Austrian girl na laging magka-duet sa singing app, kasal na

Ang kanialng pag-iisang dibdib kasama na may basbas na ng mga magulang ni Awan
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakuha na rin nila ang basbas ng mga magulang ni Awan lalo pa at dalawang taon na rin naman silang magkasintahan.

Isang simpleng seremonya ang naganap noong Agosto 18 sa Cilandak, South Jakarta.

Mananatili lamang si Arzum sa Indonesia ng ilang linggo at lilipad na muli ito sa kanyang bansa.

Samantala ang ngayo'y asawa na niya na si Awan naman ay nagbabalak na sundan agad ang misis ngunit kailangan niyang dumaan sa ilang proseso kasama na ang pag-aaral ng German language nang sa gayon ay makakuha ito ng trabaho sa bansa ng kanyang misis.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms.

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel