'Good Samaritan' na namimigay ng libreng pagkain sa Roxas boulevard, nais makilala ng publiko

'Good Samaritan' na namimigay ng libreng pagkain sa Roxas boulevard, nais makilala ng publiko

- Hinangaan ng marami ang taong nagmalasakit mamigay ng lugaw at champorado sa Roxas boulevard

- Maulan ang gabing iyon at marami ang stranded sa lugar kaya sakto raw ang pamimigay ng mainit na pagkain

- Nais makilala ng publiko ang taong may mabuting kalooban na nasa likod ng pagtulong na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng Philippine Star na nagpapakita ng larawan ng mga taong nakapila para makakain ng libreng lugaw at champorado sa kahabaan ng Roxas Boulevard nitong Biyernes, Agosto 29.

Nalaman ng KAMI na di nagpapakilala ang taong nasa likod ng pamimigay ng mainit na mga pagkain na swak sa maulang panahon nang gabing iyon.

Mapapansin din na kanya-kanyang lalagyan ang mga nakapila. Nangangahulugang hindi limitado sa maliit na lagayan ang binibigay na lugaw at champorado.

Mayroon pa nga sa mga nakapila na malaki ang nilagyan na tila ipapasalubong pa nito sa kanyang pamillya.

Ang tanging nakalagay lamang sa stall ng namimigay ng pagkain ay "Libre champorado" at sa baba nito ay ang pangalang "Nonoy B. Jr."

Sa comment section, may isang netizen ang nagsabing palagian na pala itong ginagawa ng di nagpapakilalang samaritano.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

May-ari daw ng karinderya malapit sa simbahan ng Ermita ang nasa likod ng pagtulong na ito sa mga taong kumakalam ang sikmura lalo na sa maulang panahon.

Labis na humanga ang mga netizens sa samaritano at dahil kulang pa rin ang impormasyong nailahad sa post, nais nilang mapangalanan at makita kung sino ba talaga ang mapagmalasakit na taong ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kahit ganito lng sana gawin ng ibang pilipino para naman hinde sila matutulog ng gutom"
"Gamot sa kumakalam na sikmura nice mam"
"An angel sent from above. Surely, it will return hundred fold"
"God bless sa gumawa nito, kahit papano po nakatulong kayo sa mga taong ito."
"Sana mas marami pa ang gumagawa nito. Thank you Lord for providing us people with this heart,"
"Wow umarangkada na naman ang mabait kng kaibigan, pagpalain kapa lalo ni lord friend, magiingat ka lagi!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms.

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel