Vice Ganda, may prangkang payo kay Shantal at sa madlang pipol sa It's Showtime

Vice Ganda, may prangkang payo kay Shantal at sa madlang pipol sa It's Showtime

- Vice Ganda, may prangkang pangaral kay Shantal Cuizon at sa madlang pipol sa It's Showtime

- Sa gitna ng paghingi ng sorry ng TNT contender ay diretsahang nagbigay ng payo si meme Vice

- At sa huli ay may pahabol pa siya na paalala sa madlang pipol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Vice Ganda, di nakapagpigil at nagpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa viral tweet ng TNT contender na si Shantal Cuizon at sa huli ay may paalala rin siya sa madlang pipol sa It's Showtime at spotted ng KAMI ang mga pangaral ni meme.

Vice Ganda, may prangkang payo kay Shantal at sa madlang pipol sa It's Showtime

Source: YouTube/ABS-CBN Entertainment
Source: Instagram

Prangkang pinayuhan ni meme Vice ang nag-trending sa Twitter na si Shantal dahil sa tinweet nito.

Una ng tinanong ni Vice si Shantal tungkol sa nasabing tweet na agad naman itong inamin ng huli at humingi ng sorry sa award-winning na composer na si Louie Ocampo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Klinaro ni Vice Ganda ang importansya ng pagkilala na mali ang tinweet nito at kung paano pinahalagahan ng ABS-CBN ang integridad.

Inamin naman ni meme na na-offend siya dito.

Sabi pa ni Vice kay Shantal:

"Ako, I took offense because this is my show."

Dugtong pa niya:

"At yung 'composer ka lang,' sana maunawaan mo na kung wala ang mga composers, wala kayong aawitin na mga mang-aawit."

At may idiniin rin si Vice Ganda tungkol sa pagkakamali.

Aniya:

"At may mga pagkakamali na hindi nakaka-proud."

Dagdag naman ni Anne na dapat good sport palagi kapag sumasali sa isang contest o competition.

Nagpatuloy naman si meme Vice Ganda sa kanyang prangkang payo kay Shantal at sa lahat ng madlang pipol.

Saad pa niya:

"Kung meron kang nararamdamang hindi maganda sa kapwa lalo pa't nakikita mo siya, sabihin mo na lang ng harapan...Kasi ang dami sa ating mga Pilipino na ang lakas-lakas ng loob mag-tweet kung kaya mo namang sabihin ng personal, sabihin na lang natin ng personal para hindi tayo mag-spread ng hate at galit sa social media. Kung hindi tayo makakabawas sa hate sa social media, huwag tayong dumagdag."

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Una na naming ibinalita dito ang tungkol sa paghingi ng sorry ni TNT contestant Shantal Cuizon sa award-winning composer at hurado ng Tawag ng Tanghalan na si Louie Ocampo, kamakailan lang.

Vice Ganda, sikat sa tawag na Unkabogable Phenomenal Superstar na kilala rin sa kanyang super hit comedy films at shows. Isa sa mga Showtime hosts at bumibida rin sa sariling award-winning show tuwing Linggo ng gabi, ang Gandang Gabi Vice o GGV.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Exclusive - Watch Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake, and Ruru Madrid answering Tricky Questions below:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel