Netizens, iba ang napansin sa dating pulis na sangkot sa bentahan ng droga

Netizens, iba ang napansin sa dating pulis na sangkot sa bentahan ng droga

- Viral ang post tungkol sa nag-AWOL na pulis na ngayo'y nasasangkot sa kaso ng bentahan ng bawal na gamot

- Iba ang napagtuunan ng pansin ng mga netizens na naging katatawanan tuloy ang larawan

- Naka-tattoo na kasi ang kilay dahilan para batuhin ito ng samu't saring mga komento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral sa ibang dahilan ang mga larawan ng isang nag-AWOL na pulis na nasangkot sa bentahan ng droga sa exit gate ng Maximum Security Compound sa New Bilibid Prison.

Ayon sa caption ng mga larawang binahagi ng Philippines CCTV & DASH CAM Spotted, kahit wala na umano sa serbisyo si Patrolman Victor Bustamante Jr., nagsasagawa pa rin siya ng 'oplan sita' kung saan nakukuha niya ang kanyang mga binebenta.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Gaya ng mga nahuli at iniharap kay National Capital Region Police Office chief Police Major General Guillermo Eleazar, sermon ang inabot ng suspek sa harap ng media.

Samantala, sa ilang larawang binahagi sa naturang post, tila iba ang nakapukaw ng atensyon ng mga netizen kay Bustamante.

Agaw pansin kasi ang kilay nito na naka-tattoo na kadalasan lamang daw ginagawa ng mga babae at binabae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lumalabas na naging katawa-tawa tuloy ang post dahil sa mga makukulit na komento ng mga netizens:

"Lupet ng kilay. Ihiwalay ng kolongan yan hwag ihalo sa mga lalaki. Bigyan din ng sariling C.R. taray."
"Taray ng kilay. AWOL is life but kilay is lifer"
"Taray ng kilay Bigyan yan ng sariling CR"
"Bakit may close up pic pa ng muka. Sinadya ba yun para makita talaga yung kilay"
"Kilay muna nakita ko bago caption pati nag post."
"Matapang ito sa dami ng tattoo pakilay pina tattoo."
"Daan muna sa prettylooks bago magpahule."
"Flex ko lang din yung nagkilay nito. Pakikulong na rin, Pang refill yata ng Pentel Pen yung ink na ginamit, Napakadilim tuloy ng landas na tinatahak ng kilay nya"

Mayroon nang 3,000 reactions, halos 2,000 na mga komento at mahigit 1,000 na pagbabahagi ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms.

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel