200 patay na lamok, maaring ipalit sa isang kilong bigas sa Bataan

200 patay na lamok, maaring ipalit sa isang kilong bigas sa Bataan

- Maaring ipalit ang mga patay na lamok sa Bataan para sa isang kilong bigas

- Gumagamit ang mga ito ng platong may mantika para makahuli ng mga lamok

- Marami naman ang tumatangkilik sa programang ito dahil nabawasan na ang lamok sa kanilang lugar, nagkaroon pa sila ng bigas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa konsepto na ito sa Barangay Alion in Mariveles, Bataan kung saan maaring ipalit ang mga patay na lamok sa isang kilong bigas.

Ayon sa mga larawan ni Butch Gunio ng Philippine Star, gumagamit ang mga residente ng nabanggit na lugar ng plato at mantika para makahuli ng mga lamok.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

200 na patay na lamok ang dapat na ipakita sa barangay para matumbasan ito ng isang kilong bigas.

Masigasig na isinasagawa naman ito ng mga residente dahil bukod sa nabawasan ang mga lamok na siyang nagdadala ng dengue, magkakaroon pa sila ng pagkain.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang ngayon ay walang humpay ang paglaganap ng dengue sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Kaya naman magandang programa ang naisip na ito ng mga taga-Mariveles upang makiisa ang mga residente nila na tumulong pumuksa ng lamok na nagdadala ng nakamamatay na sakit na dengue.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions?

Jen, Dingdong, James And Ruru Answering Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel