Babae, tumangging maging 'maid of honor' dahil sa '30-pound weight loss program'

Babae, tumangging maging 'maid of honor' dahil sa '30-pound weight loss program'

- Pilit na pinagdi-dieta ang isang babae ng kanyang kaibigan na nais siyang kuning maid of honor

- Di naman daw kalakihan ang babae at masaya siya sa kanyang anyo kaya naman tinanggihan niya ang alok ng bride

- Hindi na lamang tinanggap ng babae ang pagiging maid of honor dahil sa mungakahi ng bride

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Imbis na matuwa, tila na-insulto pa ang isang babae nang kunin siyang maid of honor ng kanyang kababata.

Ayon kay Dillon Thompson ng AoL.com, binahagi ng isang 33 taong gulang na babae ang kwento kumbakit di siya natuwa sa pagkuha sa kanya bilang maid of honor ng isang fitness instructor na kanyang kaibigan mula bata pa.

Kinuwento niya sa Reddit na ang bride at groom ay hinainan siya ng '30-pound weight loss program' para makapagbawas ng timbang bago ang kasal.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Labis itong ikinagulat ng babae. Inisip pa raw kasi ng mga ikakasal na matutulungan nila ang babaeng ito sa balak nilang gawin.

Tila nainsulto raw ang babae dahil masaya naman daw siya sa kanyang pangangatawan.

Wala rin siyang sinabi kailanman na nais niyang magpapapayat.

Maging ang kanyang doktor ay nagsabing wala pa namang problema sa kanyang timbang.

Babae, tumangging maging 'maid of honor' dahil sa '30-pound weight loss program'

source: Daily Mail
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang tanungin ng 'maid of honor' sana na ito ang bride kumbakit kinakailangan niyang magbawas ng malaking timbang, mas lalong nagulat siya sa sagot. Ito raw ay para magandang tingnan sa mga larawan kung liliit pa ang pigura nito.

Dahil sa nakakalokang dahilan ng bride at groom, diretsahan nang tinanggihang ng babaeng taga-Florida ang alok ng kanyang childhood friend.

Gustuhin man niyang maging bahagi ng espesyal na araw ng kaibigan, di naman niya kayang pilitin ang sarili sa bagay na labag naman sa kanyang kalooban na gawin.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions?

Jen, Dingdong, James And Ruru Answering Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel