Bride, sinuot pa rin ang 120 taong wedding gown ng kanyang ninuno

Bride, sinuot pa rin ang 120 taong wedding gown ng kanyang ninuno

- Isang bride ang nagsuot pa rin ng wedding gown ng kanyang ninuno

- Siya ang ika-11 sa kanilang angkan na nagsuot nito

- Pina-restore na lamang niya ito upang maayos na magamit muli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakamamanghang isang 120 na taong wedding gown ay nasuot pa ng isang bride noong 2015.

Nakilala ang bride na si Abigail Kingston dahil sa minsan na siyang naging headline sa dyaryo dahil sa paggamit muli ng wedding gown ng kanyang ninuno mula pa noong 1895.

Ayon sa rachwed.com si Abigail ang ika-11 sa kanilang angkan na nagsuot ng Victorian dress na ito.

Pinasa-pasa ito sa ilang henerasyon ng kanilang angkan hanggang sa ipadala ito kina Abigail.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sa kasamaang palad, dala na rin ng katagalan ng panahon, halos nagkulay brown na ang gown.

Laking pasalamat na lamang nila sa designer na si Deborah LoPresti na siyang nag-restore ng gown.

Umabot siya ng 200 oras dahil may ilang repair din siyang ginawa rito.

Napansin din nilang matangkad si Abigail para sa gown kaya naman ginawan din nila ito ng paraan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At dahil iniingatan na rin nila ang mahigit isang sentenaryong gown na ito, iba ang sinuot ni Abigail sa wedding ceremony at ang Victorian dress ang siyang sinuot niya sa reception.

Walang pagsidlan ng kaligayan ang kanyang ina na si Leslie nang makita ang anak dahil minsan na rin niyang naisuot ang wedding gown na iyon.

Narito ang video ng panayam kay Abigail mula sa YouTube:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions?

Jen, Dingdong, James And Ruru Answering Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel