Inakalang siga, nagmalasakit pakainin ang isang batang lansangan

Inakalang siga, nagmalasakit pakainin ang isang batang lansangan

- Hinangaan ang isang lalaking puno ng tattoo dahil sa di inaakalang pagtulong nito sa batang lansangan

- Imbis na ipagtabuyan, pinakain pa niya ang bata

- Maraming netizens ang pumuri sa kagandahang loob na pinakita ng lalaking ito sa bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang larawan ng isang lalaking puro tattoo ang buong katawan na tumulong sa isang batang lansangan.

Ayon sa binahaging kwento ng Hanep TV, pinagtatabuyan at sinapak pa raw ng guwardiya ng isang convenience store ang batang nais pumasok at mamalimos.

Nakita raw ito ng lalaking maraming tattoo at inawat. Pinagsabihan din daw nito ang guwardiya sa nagawa nito sa bata.

Di lamang iyon, dinala pa ng lalaki ang batang lansangan sa isang fast food at pinakain.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Bago maghiwalay, binigyan pa ng kaunting pera ng lalaki ang bata pati narin pambili raw nito ng gamot.

Sadyang nakakabilib ang ginawa na ito ng lalaki na di raw inaasahan ng marami.

Kaya naman sangkaterbang papuri ang natanggap nito mula sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"God bless kuya. Napakabuti mo. Napakalaki ng puso mo samga batang mahihirap. Sana dumami pa ang mga katulad mo."
"God Bless po sa inyo kuya sana marami pang Kagaya mo"
"Hindi lahat May tattoo, mayabang meron din mababait god bless you"
"Good samaritan.. Hindi lahat ng may tattoo masama..... Good job"
"Hindi lahat nang may tattoo ay masama kadalasan sila pa Yong may mabusilak ang puso"
"Wala nga kase sa panlabas anyo ang basehan ng may mabuting kalooban. saludo ako sayo sir"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions?

Jen, Dingdong, James And Ruru Answering Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel