Mag-BFF na Pinay, inireklamo ng Canadian na pareho nilang ex ng panghuhuthot

Mag-BFF na Pinay, inireklamo ng Canadian na pareho nilang ex ng panghuhuthot

- Walang lusot ang dalawang Pinay na inireklamo ng isang Canadian ng panghuhuthot

- Una nang inireklamo ng dayuhan ang dalagang kanyang naging nobya ng panloloko at panghuhuthot ng perang umabot sa halos isang milyong piso

- Ngunit sa huli, nadiskubre na ang bestfriend nito na nakarelasyon din pala ng Canadian ay humingi rin ng pera rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos na mai-ere sa Wanted sa Radyo ang reklamo ng Canadian na si William Top kaugnay sa panloloko raw sa kanya ng ex na si Raven Lauron, isa pang Pinay ang inireklamo nito ng parehong kaso!

Napag-alamang ang bestfriend naman ni Lauron na si Margie ay nakakuha rin ng pera mula sa dayuhan na umabot sa mahigit P200,000 at nais rin itong mabawi ni Top.

Una nang sinabi ni Lauron na isa si Margie sa dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil nagkaroon nga ito ng relasyon kay Top habang sila pa.

Bagamat inamin ni Top na nakarelasyon niya ng dalawang buwan si Margie ay itinanggi nito na pinagsabay niya ang dalawang Pinay.

Hindi naman nagpatalo si Lauron at may mga isiniwalat pa laban sa dalawa.

Ayon dito, siya ang sinisisi ni Top na napunta ito kay Margie na pinerahan din daw ito at ibinili pa ng bahay.

Bagamat may halaga ngang nais makuha si Top kay Margie, itinanggi na nito ang tungkol sa bahay ng huli.

Ganunpaman, iginiit pa rin ng dayuhan na mabawi ang mga perang ibinigay niya kay Lauron na nakalaan raw sana sa kanilang bahay.

Maging ang dalawang lupa na binili niya at ang scooter ay gusto na rin nitong mabawi.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit ayon kay Lauron P20,000 lang ang utang niya sa ex at iginiit na para asa kanyang panggastos ang ipinadala noon sa kanya ni Top na ginamit niya sa pag-aaral.

Umalma rito si Top at sinabing mayroon itong mga ebidensiyang magpapatunay sa kanyang paratang.

Sa huli, nagkasundo ang dalawa na ibabalik ni Lauron ang lupang binili ni Top ngunit ang lupang binili nito sa kanyang tiyuhin ay hindi na niya sakop pa.

Ang scooter naman ay sinabi nitong na-impound na noong ito ay naaksidente.

Nangako ito na maghuhulog kay Top buwan-buwan hanggang sa mabuo nito ang halagang sinabi ng Canadian.

Nakatakdang magharap ang mga ito kasama ng Raffy Tulfo in Action team.

Sa isa pang ulat ng isa pang Pinay ang inireklamo ng isang dayuhan ng panloloko at panghuhuthot din!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mercado, Dantes, Blake and Madrid Answering Tricky Questions

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel