Malupit! Ginang, nakatabi na sa kama ang 1 sa mga kabit ng babaerong mister

Malupit! Ginang, nakatabi na sa kama ang 1 sa mga kabit ng babaerong mister

- Isa na namang matinding reklamo ng isang ginang laban sa kanyang dating kinakasama ang nagpagalit sa mga netizens

- Base sa reklamo ng ginang, bukod sa paulit-ulit na pambababae nito ay 'di pa nagbibigay ng sapat na sustento ang lalaki

- Kwento pa ng ginang, siya pa ang nakiusap sa isa sa mga naging kabit ng lalaki na kupkupin siya habang siya ay nagdadalang-tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umiiyak na idinulog ng ginang na si Jessica Fetalvero ang kanyang problema sa tatay ng kanyang mga anak at dating kinakasama.

Ayon kay Fetalvero, matagal nang hindi nagbibigay ng sustento ang ex na si Noel Galpo.

Nangako man daw ito na magbibigay kapag nagkaroon na ng trabaho ay hindi naman ito natupad.

Nabalitaan rin daw ng ginang na nagsasabong ang lalaki sa kabila ng pagkukulang nito sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inobliga naman ni Raffy Tulfo ang kapatid ni Galpo na siya lamang nakausap ng programa na makipag-ayos kay Fetalvera kung hindi ay muli nito iaakyat sa piskal ang kaso.

Samantala, sa panayam muli sa ginang, napag-alamang maliban sa pagkukulang nito ay naging sakit rin sa ulo at puso niya ang lalaki.

Dati na raw itong paulit-ulit na nagloloko na humantong pa nga sa minsang pagsasama-sama nila ng kabit ng lalaki sa isang bubong.

Minsan pa raw siyang nakiusap sa kabit ni Galpo na kupkupin siya habang nagdadalang-tao kapalit ng pagpayag niya na ipagpatuloy na ang relasyon ng mga ito.

Inalok pa ni Raffy Tulfo ang ginang na ituloy na ang kaso laban sa lalaki at tutulungan na lamang siya nito na magkaroon ng kabuhayan.

Inaabangan naman ng mga netizens ang paghaharap ng ginang at ni Galpo sa programa ni idol Raffy.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mercado, Dantes, Blake and Madrid Answering Tricky Questions

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel