'CCTV challenge' ng magtotropa, kinagiliwan sa socmed

'CCTV challenge' ng magtotropa, kinagiliwan sa socmed

- Sapul sa CCTV ang trip ng magtotropa

- Aakalaing mannggugulo ang grupo ng mga kalalakihan ngunit bigla na lamang rumampa ang mga ito at gumawa pa ng mga stunts

- Dahil kuha ito sa CCTV ng lugar, agad silang natukoy ng mga tanod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ang trip ng grupo ng mga kalalakihang ito na pumwesto talaga sa tapat ng CCTV sa San Pablo.

Sa video na binahagi ng Facebook page na Whoa!!!! makikita ang grupo ng mga kalalakihan na animo'y mga siga sa kalsada.

Iisipin pa ngang tila manggugulo ang mga ito dahil sa dalang bangko, haligi ng kawayan at ang ilan pa ay walang pang-itaas.

Ngunit nang kumaway na ang mga ito at nagsasayaw, tila nahimasmasan ang mga nanonood dahil sa lakas trip lang pala ang mga ito.

Nilagay nila ang upuang dala sa gitna ng kalsada saka isa-isa silang rumampa.

Nang makarampa na ang lahat, iba't-ibang stunts naman ang kanilang pinaggagawa.

Maya-maya pa ay dumating na ang mg tanod ng lugar. Sinaway nito ang mga lalaki ngunit, bigla na lamang ding nagsasayaw ang mga tanod.

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa video na umabot na sa mahigit 1.6 million views.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"To ang trip. Hindi nakaka perwisyo."
"Ang daming twist ng video, tawang tawa ako"
"Ang kulit nila, akala ko riot na e!"
"Pati talaga tanod e no? hehe... at least peacful pa rin sa kanilang lugar"
"Hahaha... good vibes lang mga tropa!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions?

Jen, Dingdong, James And Ruru Answering Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel