Transwoman, ipinahiya ng 1 sekyu sa LRT 1 na gumamit pa ng megaphone

Transwoman, ipinahiya ng 1 sekyu sa LRT 1 na gumamit pa ng megaphone

-Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng isang transwoman kung paano raw siya ipinahiya ng isang security guard sa LRT

-Agad naman humingi ng paumanhin ang pamunuan ng LRT 1 kaugnay nang naganap na insidente

-Nanawagan naman ang transwoman na ipasa na ang SOGIE bill upang maiwasan na ang diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pinalagpas ng transwoman na si Darna Evangelista ang diskriminasyong natanggap mula sa isang security guard ng LRT.

Ayon kay Evangelista sa kanyang Facebook post noong August 7, ipinahiya siya ng isang guard na nakatalaga roon na gumamit pa ng megaphone.

Base sa post ni Evangelista, nasa LRT Carriedo station siya kasama ang kanyang boss at pumila sa carriage na para sa mga kababaihan.

Lumapit ang sekyu at sinita siya.

GUARD: Sir bawal po kayo jan

ME: Sir hindi po ba naidiscuss sa gender sensitivity nyo na kaming mga Transwoman ay kinoconsider na babae (mahinahon na pananalita)

GUARD: Nagpapalit na po ba kayo ng ano????

ME: (Nashock) whaaaat??? u mean sir kelangan ko ba ipakita sayo kung anu nasa pagitan ng hita ko para lang maconvince kita na payagan ako pumila sa babae???

GUARD: Kahit na sir kasi LALAKE KA PA RIN!!!

ME: Sir yun na lang po ba basehan nyo at kung sabihin kong oo papayagan nyu ba akong makasakay???

At nang dumating na raw ang tren ay muli siyang pinigilan nito gamit muli ang megaphone.

"SIR BAWAL KA JAN KASI LALAKE KA PA RIN," sabi ng guard base sa kwento ni Evangelista.

Doon na niya nilapitan ang guard at tinanong kung ano ang gusto nitong mangyari.

Tinawag pa raw nito ang hepe nito na siya pang humingi ng paumanhin sa kanya sa nagawa ng sekyu.

Pinayagan rin daw siya nito na sumakay sa carriage na para sa mga kababaihan.

Trauma at hinanakit ang inabot ni Evangelista kaugnay sa nangyari na nanawagan na ipasa na ang SOGIE bill upang maiwasan ang diskriminasyon sa LGBT community.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa report naman ng Inquirer, agad na humingi ng paumanhin ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) kay Evagelista.

Nilinaw ng LRMC na hindi nila pinapayagan ang anumang uri ng diskriminasyon sa pamamagitan ng isang statement na ipinadala nito sa Inquirer.

“LRMC is steadfast in improving customer experience. We will continue to train our team members to respect all our customers,” sabi pa sa statement.

Pinuri rin ng opisina ang hepe ng sekyu na siyang umasikaso sa insidente.

Tinanggap naman ito ni Evangelista at nilinaw na hindi niya nais na matanggal ang security guard.

Ang insidenteng kinasangkutan ni Evanglista, isa lamang sa libo-libong reklamo laban sa diskriminasyon sa LGBTQ.

Kasalukuyang mainit ang usapin sa nangyaring insidente sangkot ang isa pang miyembro ng LGBT na si Gretche Diez.

Dahil dito, muling umingay ang panawagan ng marami na ipasa na ang SOGIE bill.

Hati naman ang mga Pinoy kaugnay sa mainit na isyu na ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mercado, Dantes, Blake and Madrid Answering Tricky Questions

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel