Binatang ginamit ang programa ni Raffy Tulfo, kusang sumuko kay idol

Binatang ginamit ang programa ni Raffy Tulfo, kusang sumuko kay idol

- Kusang sumuko ang lalaking ginamit ang sikat na programa ni Raffy Tulfo

- Maging ang mga magulang nito ay kasama rin nito na humingi ng tawad sa sikat na broadcast journalist

- Hindi naman nagdalawang-isip na magpatawad ni idol Raffy at nagawa pang tulungan ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos mai-post sa social media ang larawan at babala tungkol sa lalaking si Christian Oliver Pinto, kusa itong pumunta sa tanggapan ng TV5 para linisin ang pangalan.

Inamin nito na dina-download nito ang mga videos ng programa ni Raffy Tulfo upang i-upload sa kanyang sariling social media at makakuha ng views.

Ngunit itinanggi na nito ang paratang na ginagamit niya ang mga videos ng programa para manghuthot ng pera.

Nagawa lamang daw niya ito dahil sa labis na paghanga kay Raffy Tulfo.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi naman nagdalawang-isip na patawarin ito ni Tulfo at sa halip ay binigyan pa ito ng advice ng sikat na broadcast journalist tungkol sa paghatak ng manonood.

Nang malaman din ni idol na kasama nito ang mga magulang nito ay hindi rin ito nagdamot pa ng tulong.

Para kay idol Raffy, sapat na sa kanya na kusang pumunta sa kanya ang binata at inamin ang kasalanan.

Naiyak na lamang ang ina ng binata dahil sa ginawa ni idol para sa kanilang anak na talaga raw fan na fan ni Tulfo.

Ipinabura na rin ni idol Raffy ang post ng programa sa FB kaugnay sa pagbibigay ng babala laban kay Pinto.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mercado, Dantes, Blake and Madrid Answering Tricky Questions

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel