Judge na humatol kay Sanchez, may matapang na ibinulgar ukol sa kaso nito

Judge na humatol kay Sanchez, may matapang na ibinulgar ukol sa kaso nito

- Matapang na inihayag ni former Judge Demetriou na dati siyang kinausap ng isang ma-impluwensyang tao sa simbahan ukol kay Sanchez

- Hindi nagdalawang-isip si Demetriou na sabihing dapat lang na mamatay na si Sanchez sa kulungan

- Sa panayam dito, sinabi nitong hindi nito takot sakaling balikan siya ng hinatulang si Sanchez

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May matapang na ipinahayag ang dating Pasig City regional trial court Judge na si Harriet Demetriou ukol sa kaso ni Sanchez.

Ani Demetriou, dati siyang nilapitan ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin at may ibinigay na sulat mula kay Lucena Bishop Pedro Bantigue.

Si Demetriou ang Judge na humatol kay Sanchez noong 1995. Sabi pa nito, hindi lang sa politika maimpluwensiya ang dating alkalde kundi maging sa simbahan.

"Maimpluwensiya siya not only to government officials but also to high-ranking members of the Catholic church. Mga bishops ka-alyado niya," anito base sa ulat ng GMA News.

"When I read it, the contents was Sanchez daw is a very good person. He's innocent daw of the charges against him," sabi pa ni Demetriou.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Your Eminence, I cannot take this at face value. Sabi ko, 'Bakit ho nasasabi niya na si Sanchez ay napaka bait na tao? Dahil ba sa donasayon ni Sanchez sa diocese nila?'" dagdag pa nito.

Ganunpaman, sinabi raw niya na maaaring magsilbing character witness ang nasabing bishop sa korte para kay Sanchez.

"But he would be cross-examined," sabi pa ni Demetriou.

Ngunit hindi naman ito nangyari.

Si Antonio Sanchez ay dating alkalde ng Calauan, Laguna na nahatulan ng seven counts ng reclusion perpetua sa Sarmenta-Gomez rape slay.

Ito ang itinurong utak sa panggagahasa at pagpatay sa UPLB student na si Eileen Sarmenta at pagpapahirap at pagpatay sa kaibigan nito na si Allan Gomez, na una nang naibalita ng KAMI.

Sa isang article ng KAMI, mariing itinanggi ng ex-mayor na siya ang may gawa ng malagim na krimen at sinabing na-frame up lamang siya ng mga kalaban sa politika.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mercado, Dantes, Blake and Madrid Answering Tricky Questions

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel