70-anyos na 'TnT' finalist, muling pinaluha at pinabilib ang mga hurado

70-anyos na 'TnT' finalist, muling pinaluha at pinabilib ang mga hurado

- Muling napaluha ang isa sa mga hurado sa performance ng 70-anyos na kalahok ng Tawag ng Tanghalan

- Di naiwasang maging emosyonal ni hurado Ogie Alcasid

- Matapos ang makabagbag-damdaming pag-awit ng finalist, napatayo sa pagpalakpak ang lahat ng mga hurado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang nakakatunaw ng pusong performance ang pinamalas ni Violeta Bayawa sa ikatlong araw ng semi-finals ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime.

Ayon sa ABS-CBN news, muling napabilib ng 70-anyos na kalahok ang mga hurado sa kanyang awiting "Kailangan kita."

Di napigilan ni hurado Ogie Alcasid ang maluha habang kumakanta si Violeta dala ng matinding emosyon ng awitin.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Matapos ang kanyang makapanindig balahibong pagkanta, 'standing ovation' ang natanggap nito mula sa limang hurado.

Una nang naibalita ng KAMI na napaluha rin ni Violeta sina hurado Jaya at Dulce nang kantahin niya ang 'Unchained Melody' nitong Lunes, Agosto 26.

Ito rin ang araw na nilahad ni Violeta ang kalagayan ng kanyang buhay pag-ibig.

Lakas loob niyang sinabing iniwan siya ng mamakaisang lalaking tunay niyang minahal dahil sa ibang babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naikwento rin niyang ito ang pinag-aalayan niya ng awitin. Sa isa pang pagkakataon, inalay niya ang kanyang kinanta sa dating asawa.

Napag-alaman niya sa kanyang kamag-anak na dahil sa rebelasyong ito, sinusubaybayan na rin siya ng kanyang 'Ga' sa Tawag ng Tanghalan.

Si Violeta ay isa sa pitong magkakatunggali para sa dalawang pwesto patungo sa grand finals ng naturang paligsahan sa ABS-CBN.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions?

Jen, Dingdong, James And Ruru Answering Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel