Foreigner na nagbigay ng wheelchair sa nadaanang pulubi, hinangaan ng marami

Foreigner na nagbigay ng wheelchair sa nadaanang pulubi, hinangaan ng marami

- Marami ang napabilib sa isang di nakilalang foreigner dahil sa pagtulong ito sa isang lalaking namamalimos sa labas ng mall

- Binilhan ng foreigner ang lalaki ng wheelchair dahil napansin niyang di pala ito nakakalakad

- Nakuha pang kargahin ng bakasyunista ang natulungan niyang lalaki upang magamit na nito agad ang wheelchair

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakakatunaw ng puso ang video kung saan makikitang sinurpresa ng isang foreigner ang pulubi na namamalimos sa labas ng mall sa South Cotabato noong Hulyo 27.

Ayon sa ulat ng Yahoo News, nadaanan lamang umano ng dayuhan ang namamalimos na lalaki at napansin nitong di pala ito nakakalakad.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Pagbalik ng di nakilalang foreigner, may dala na itong wheelchair para sa lalaki.

Bakas sa mukha ng pulubi ang saya nang ibigay ng dayuhan ang regalo nito para sa kanya.

Tila di pa makapaniwala ang lalaki sa di inaasahang biyaya na natanggap.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa YouTube:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman tinulungan na rin ito ng foreigner at isang Pinay na makaupo sa bago nitong wheelchair.

Marami ang nakasaksi sa nakakatunaw ng puso na pagtulong na ito ng foreigner.

Dahil kasi sa biyayang binigay nito, isang tao ang kanyang napasaya at maiibsan kahit na paano ang hirap na nararanasan sa buhay araw-araw.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions?

Jen, Dingdong, James And Ruru Answering Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel