High school sweethearts, nasawi ilang minuto matapos ang kanilang kasal

High school sweethearts, nasawi ilang minuto matapos ang kanilang kasal

- Nasawi sa isang aksidente ang bagong kasal sa Orange county, Texas

- Sakay ang bagong kasal sa kanilang wedding car nang mangyari ang nakakagulat na aksidente

- Kitang-kita ng mga magulang nila ang buong pangyayari na lalong ikinadurog ng kanilang mga puso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napakasaklap ng sinapit ng bagong kasal na sina Harley Morgan at Rhiannon Morgan na namatay ilang minuto lang matapos ang kanilang kasalan sa Justice of the Peace courtroom sa Orange County, Texas.

Nalaman ng KAMI na nasa likod lamang ng wedding car ang mga magulang at ilang kamag-anak ng dalawa na nakita mismo ang buong pangyayari.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sa ulat ni Tanya Edwards ng Yahoo Lifestyle, kakalabas lamang daw ng parking lot ng courtroom ang sasakyang kung saan lunan ang bagong kasal nang biglang sumalpok dito ang isang Ford pick-up na isa palang towing vehicle.

Ayon kay LaShawna Morgan, ina ng groom, nakita pa niya kung paano namatay ang anak na labis na masakit para sa kanila.

Halos wala pang limang minuto mula nang ikasal ang dalawa nang mangyari ang trahedya ayon sa KFDM News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpaplano pa naman sana ng mas magarbong kasalan ang dalawa sa panahon ng kapaskuhan ngunit di na ito matutuloy pa.

Punong-puno pa naman ng pangarap ang 19 at 20 taong gulang na high school sweethearts na ito na sa isang iglap lamang ay naglahong lahat.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions?

Jen, Dingdong, James And Ruru Answering Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel