Kasalan sa Benguet na puro 'berdeng' gulay ang dekorasyon, viral

Kasalan sa Benguet na puro 'berdeng' gulay ang dekorasyon, viral

- Viral ang mga larawan mula sa kasalan sa Benguet na puro gulay ang dekorasyon

- Di raw inaasahan ng bagong kasal na magiging agaw-eksena ang kakaibang disensyo ng pinagdausan ng kanilang kasal

- Tita raw nila ang nakaisip ng ganitong konsepto at natuwa rin naman sila dahil malaki ang kanilang natipid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di aakalain ng bagong kasal na sina Claver at Fleann Molot na magiging viral ang mga larawan na kuha sa kanilang pag-iisang dibdib sa San Jose Parish Church sa La Trinidad, Benguet noon pang Hulyo, taong kasalukuyan.

Nalaman ng KAMI na imbis kasi na mga bulaklak ang dekorasyon sa kasalan, mga repolyo, cauliflower, lettuce at iba pang berdeng gulay ang ginamit dito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Makikita sa mga larawang binahagi na rin ng ABS-CBN at Magsasaka Bayani Ka na maging sa altar ng simbahan ay mga gulay na rin talaga ang dekorasyon.

Ayon sa bagong kasal, konsepto raw ito ng kanilang tiyahin at pinagbigyan naman daw nila ito.

Hindi na nila nagawa pang tumanggi dahil sa marami naman talagang gulay sa kanilang lugar.

Isa pa, malaki rin daw ng kanilang natipid sa ganitong klaseng dekorasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang maganda pa rito, di nasayang ang mga gulay dahil pina-take home pa nila ang mga ito sa mga dumalo ng kanilang kasal.

Dahil sa mga pangyayaring ito, mas lalong naging makabuluhan at memorable ang kanilang pag-iisang dibdib.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions?

Jen, Dingdong, James And Ruru Answering Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel