Nakakatawang video ng lalaking di nakagalaw ng ilang minuto dahil sa mga itlog, viral

Nakakatawang video ng lalaking di nakagalaw ng ilang minuto dahil sa mga itlog, viral

- Viral ngayon ang video ng isang tindero na may dalang ilang patong ng tray ng itlog

- Kinagiliwan ito ng netizens dahil sa caption na nilagay sa CCTV footage

- Inabot ng ilang minuto bago maayos na natulungan ang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magkahalong awa at tuwa ang naramdaman ng mga netizens nang mapanood ang viral video ng lalaking may dalang ilang tray ng itlog.

Binahagi ng netizen na si Itchaboy Dritch ang video ng tindero sa isang tindahan na may dalang ilang tray ng itlog. Nang subukan niya itong ipatong muna, laking gulat niya nang tumagilid ito.

Upang di tuluyang matapon, nasalo niya ang ilang itlog sa pagdikit ng kanyang mukha sa tray.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Tila nagulat din ang dalawang mamimili kaya naman natagalan bago ito natulungan.

Talagang di gumalaw ang lalaking may hawak ng tray upang di rin dumami pa ang basag na mga itlog.

Samantala, ang nagbigay kulay sa video na ito ay ang mga caption na dinagdag ng nagbahagi.

Tuwang-tuwa ang mga netizens dahil sa tugma nga ang mga nakasulat sa kung anumang nagaganap na sa lalaki.

Ngunit, may ilang nag-alala naman sa trabaho ng lalaki

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Naawa ako kay kuya . Matik na yan bawas sweldo . Hndi niya siguro mapagtanto . Magkano nalang maiuuwi niya sa pamilya niya kaya ayaw niya bitawan yung iba . Ksi baka lalong dumami ung mahulog .. sorry po"
"Hahaha .. nkakalungkot ung ngyari kay kuya.bt kc pinilit iakyat laht ng tray of eggs nde pla maayos n mailalagay. Pwd nmng unti onti lng tas balikan n lng ung ibang tray pra sure kc alm nmn na eggs yun very fragile. Pero bka sobrang na tense lng c kuya sa manager kaya ayun.. Nakkatwa ung mga caption ni itchaboy s mga eksena"
"Kc naman po pwde naman hnd sbay sbayin ang paglgay ng itlog sa stante..,pero dahil gusto nia mapa blis ang work ayun disgrasya pa ang itlog bawas sahod pa..."
"Hala, di ko alam mararamdaman ko"
"Di agad siya natulungan, kawawa naman..."

Nasa 6.4 million views na ang viral video na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gay Lingo is a huge local phenomenon! Let us see if we can explain the meaning of some slang terms to the rest of the world.

Ano Ang Meaning Ng Dakota Harrison? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel