Nakakalungkot! 21-anyos na binata, patay matapos sagipin ang 2 kaibigan

Nakakalungkot! 21-anyos na binata, patay matapos sagipin ang 2 kaibigan

- Isang araw matapos mawala sa isang beach sa Zambales, natagpuan ang katawan ng 21-anyos na binatang tinangay raw ng malalakas na alon

- Base sa ulat, iniligtas nito ang dalawang kasamahang babae nang tangayin ng alon

- Napag-alamang mula pa sa Malolos, Bulacan ang biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ang katawan ng 21-anyos na binatang nalunod sa Zambales.

Kinilala itong si Arnie Reyes, isang fitness trainer at nakatira sa Malolos, Bulacan.

Nangyari ang insidente sa isang pampublikong beach sa San Narciso, Zambales noong ika-25 ng Agosto.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Base sa ulat ng Cebu Daily News, iniligtas ni Reyes ang dalawang kasamahang babae nang tangayin ito ng malalakas na alon.

Nailigtas ang dalawa na agad namang dinala sa ospital

Habang si Reyes ay tinangay ng malalakas na current at ilang oras na nawala.

Lunes, Agosto 26, isang araw matapos ang trahedya natagpuan ang bangkay ng binata bandang 1:30 pm ayon naman sa report ni Senior Insp. Noel Sitjar, hepe ng San Narciso Municipal Police.

Dumagsa naman ang pakikiramay sa Facebook account ni Reyes mula sa pamilya, kaibigan at mga nakakakilala rito.

Narito naman ang isang post ng FB page na BulSU Capture para sa binata.

Nakikiramay ang KAMI sa mga naulila ni Reyes.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mercado, Dantes, Blake and Madrid Answering Tricky Questions

Our favorite stars, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, Jameson Blake and Ruru Madrid, answering Tricky Questions from Human Meter. Who do you think nailed more questions? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel