Sikat na programa ni Raffy Tulfo, nagbigay ng babala sa marami

Sikat na programa ni Raffy Tulfo, nagbigay ng babala sa marami

- Nagbigay ng babala ang programang Raffy Tulfo in Action kaugnay ng panloloko ng isang lalaki na nagpanggap na staff nila

- Ayon sa Facebook post ng programa, nagpanggap ang lalaki para makahuthot ng pera sa mga nais tumulong at mga nangangailangan ng tulong

- Muli pang nagpaalala ang programa sa kanilang mga taga-subaybay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang babala ang ibinahagi ng programang Raffy Tulfo in Action sa kanilang official Facebook page kaugnay sa panloloko ng isang nagpanggap na staff nila.

Ang Raffy Tulfo in Action ay isa sa mga sikat na programa ng mamamahayag na si Raffy Tulfo.

Bukas ang tanggapan ng programa para sa lahat ng nangangailangan ng tulong o mayroong mga reklamo.

Ngunit maging ito pala ay ginamit na rin daw ng mga kawatan para makapanloko ng kapwa.

Ayon sa FB post ng programa, isang Christian Oliver Pinto ang nagpanggap na staff nila.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At ang kanyang modus ay manghuthot mula sa mga taong nais tumulong o kaya naman ay iyong nangangailangan ng tulong.

"Ang kanyang modus ay mag upload ng mga videos ng RAFFY TULFO IN ACTION sa kanyang Facebook Page," ayon sa post ng programa sa kanilang official FB page.

At ayon sa programa, nanghihingi umano ito ng mga donasyon sa mga tao at karamihan ay OFW na nagmemensahe sa kanyang ginawang FB page.

Habang ang ilan namang nangangailangan ng tulong ng programa ay pinapangakuan nito ng mas mabilis na serbisyo kapalit ng pera.

Kaya naman muling nagpaalala ang programa na mag-ingat sa mga kawatang tulad nito.

Sinabi rin nila na libre at walang bayad ang kanilang serbisyo para sa mga nangangailangan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!

Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel