Policewoman, sinasabing nagpakamatay matapos makipag-inuman sa BF

Policewoman, sinasabing nagpakamatay matapos makipag-inuman sa BF

- Wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ng 29-anyos na babaeng pulis sa DRT sa Bulacan

- Ayon sa ulat, natagpuan itong mayroong tama ng baril sa kanyang sentido at sinasabing ito ay nagpakamatay

- Napag-alaman naman na bago ang insidente ay nakipag-inuman pa ito sa kanyang nobyo na miyembro ng Philippine Army at isa pang kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala nang buhay at may tama ng baril sa kanyang kanang sentido ang 29-anyos na babaeng pulis sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan nang matagpuan ito kamakailan.

Kinilala itong si P/Cpl. Claire Sagampod na nakatalaga sa nasabing bayan.

Base sa ulat ng Ronda Balita, nakipag-inuman pa ito sa kanyang nobyo na si Juli Acedera, 31-anyos at miyembro ng Philippine Army at nakatalaga din sa nasabing bayan, bago maganap ang insidente.

Kasama nila ang isa pang kaibigan nito na si Rizal Ocampo, 24-anyos na nakatira sa Brgy. Pulong Sampalok kung saan nakabase ang biktima at si Acedera.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kay P/Captain Isabelo Mondejar, chief ng DRT police, isang tawag mula sa isang concerned citizen ang kanilang natanggap na nagsabing nagpakamatay ang pulis matapos makipag-inuman sa nobyo at kaibigan nito.

“She was then found out to have sustained a gunshot wound at her right temple which resulted to her death,” ani Mondejar.

Sabi pa nito, mayroong personal na problema si Sagampod na maaaring dahilan para magpakamatay ito.

Ngunit patuloy pa rin daw ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung mayroong foul play sa insidente.

Samantala, boluntaryo naman daw na isinurender nina Acedera at Ocampo ang sarili para sumailalim sa paraffin examination.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!

Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel