Kapatid at taga-suporta ni De Lima, hiling na makalaya na ang senadora
- Hiling ng kapatid at mga taga-suporta ni Senator Leila De Lima na magdiriwang ng ika-60 kaarawan, na makalaya na ito
- Sana rin daw ay mapagbigyan ang hiling nito na makasama at makipag-debate sa plenaryo ng Senado sa pamamagitan ng teleconferencing
- Iginiit ng kapatid ni De Lima na inosente ang senador na nasangkot sa pangangalakal ng droga sa loob ng New Bilibid Prison
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Magdiriwang na ng kanyang ika-60 kaarawan si Senator Leila De Lima sa August 27, na hanggang ngayon ay nanatili pa rin sa police custody.
Kaya naman, hiling ng kapatid nito na si Vicente "Vicboy" De Lima II at iba pang taga-suporta ng senadora na makalaya na ito, base sa ulat ng GMA News.
"Patuloy na ipinagdadasal ni Senator Leila De Lima, at ipinagdarasal din po namin na sana po ay makalaya na siya kasi po wala naman po siyang kasalanan dun sa mga charge sa kanya," ani Vicboy.
Hiling din daw nila na payagang makasama at makipag-debate sa plenaryo ng Senado sa pamamagitan ng teleconferencing si De Lima.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
"Isa rin sa ipinapanalangin natin, ipinapanalangin niya, ay sana po maaprubahan po iyong resolution na payagan siyang makasama at makipag-debate sa plenaryo ng Senado via teleconferencing. Sana po ay siya po ay mabigyan ng ganitong pagkakataon," anito.
Nais daw ni De Lima na tuparin ang mandatong inatang sa kanya ng 14 million na bumoto sa kanya.
Ayon pa kay Vicboy, dapat rin na maparusahan ang mga responsable sa pagpapakalat ng mga umano'y videos ni De Lima na umaming may kinalaman ito sa drug trade at nag-resign na nga sa Senado.
"Malicious po ang pag-release ng mga videos na 'yun, ng mga fake videos na 'yun, at dapat po siguro maparusahan. They should be held accountable, those people who are responsible for releasing those fake videos, those fake news," anito.
Si De Lima ay isa sa mga kilalang kritiko ni President Rodrigo Duterte lalo na sa drug war nito.
February 2017 pa nang sumailalim sa police custody ang senadora dahil na rin sa umano'y pagkakasangkot nito sa drug trade sa New Bilibid Prison.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!
Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI
Source: KAMI.com.gh