Sogie Bill advocate, iginiit na hindi dapat inilalagay sa birth certificate ang kasarian ng isang sanggol

Sogie Bill advocate, iginiit na hindi dapat inilalagay sa birth certificate ang kasarian ng isang sanggol

- Iginiit ng isang Sogie bill advocate na hindi daw dapat nakasaad sa birth certificate ng isang sanggol ang kasarian nito

- Ito ay sa kadahilanang maaring mali diumano ang kanilang hula sa tunay na kasarian ng kanilang anak

- Ipinaliwananag niya ang pagkakaiba ng pagkakakilanlan ng kasarian at mga biological na katangian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa isang SOGIE Bill advocate, hindi daw dapat ipalagay ng mga magulang ang kasarian ng bagong panganak na sanggol sa birth certificate sapagkat balang araw ay maaari daw mali ang kanilang hula sa tunay na kasarian ng kanilang anak.

Sa pagdinig ng Komite ng Senado sa nasabing panukalang batas, ipinakita ng Lagalab LGBT Network President na si Naomi Fontanos ang isang presentation sa mga mambabatas na nagpapaliwanag sa pagkakaiba ng gender identity at biological characteristics

“Example, I identify myself as a transwoman, my gender identity is female, but I’m attracted to males for now… so currently I’m exclusively heterosexual identifying,” sabi ni Fontanos.

“But I have sisters or transwomen just like me who are attracted to other women,” dagdag pa niya.

Nabanggit niya ang kaso ni Angelina Mead King na nanatili sa kanyang pakikisama sa kanyang asawang si Joey Mead na isang babae sa kabila ng paglabas bilang isang trans woman.

Matapos ang presentation, nagtanong si Senador Nancy Binay na napaka-curious sa paksa.

Tinanong ni Binay ang pagkakaiba sa pagitan niya bilang isang taong ipinanganak bilang isang babaeng naakit ng lalaki at iba pang gender identities.

“Ma’am you were born a baby and you are assigned as female at birth, but your gender identity matches your gender assignment at birth,” sagot niya sa senadora.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinundan ito ng tanong ni Binay kung nais ba niyang itigil ang paglalagay ng kasarian ng isang bagong silang na sanggol sa birth certificate.

“In our case as trans people, as a transwoman, I was assigned male at birth. It was incorrect, it was just a guess and it was a wrong guess. gender assignment is predictive, it is not final,” saad ni Fontanos.

Idinagdag ni Fontanos na sa ilang mga unang bansa sa mundo tulad ng New Zealand at Australia, ang mga magulang ay maaaring pumili kung nais nilang isama ang kasarian ng kanilang sanggol sa kanilang birth certificate.

Ayon sa kanya, ang ilang mga magulang sa nasabing mga bansa ay maaaring maglagay ng "x" o "dobleng dash" sa impormasyon ng kasarian ng kanilang sanggol upang ipakita na hindi nila ipinapalagay ang kasarian ng kanilang anak.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

“Basta if the x or double dash is indicated, therefore they’re not male or female. So if they pass the immigration for example or having a business, then the people doing business with them have to ask ‘how would you like to be addressed, how would you like to be called?"

Naging mainit ang usapin sa pagpasa ng SOGIE Bill matapos ang viral na video ng trans woman na si Gretchen Dez kamakailan.

Samantala, nauna nang sinabi ni Senator Tito Sotto na malabong maipasa ang SOGIE Bill.

Ang SOGIE (Séxual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill o Anti-Discrimination Bill (ADB) ay isang panukalang batas ng Kongreso ng Pilipinas. Ito ay inilaan upang maiwasan ang iba't ibang mga pang-ekonomiyang at pampublikong aksyon na may kinalaman sa diskriminasyon laban sa mga tao batay sa kanilang séxual orientation o pagkakakilanlan ng kasarian.

Ang bersyon sa House of Representative ay pumasa sa ikatlong pagbasa nito kamakailan noong Setyembre 20, 2017, ngunit hindi naipasa sa Senado.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo! | HumanMeter

Ruru Madrid gets asked about some questions regarding his new single and some other questions. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel