Resume ng isang netizen na nag-aaply bilang gf ni Vico Sotto,nag-viral sa social media

Resume ng isang netizen na nag-aaply bilang gf ni Vico Sotto,nag-viral sa social media

- Ibinahagi ni Vico Sotto ang katangian ng kanyang ideal girl at nagbirong tumatanggap na siya ng aplikante

- Dahil dito ay may mga netizens na pabirong nag-apply para maging girlfriend ng mayor ng Pasig City

- Kinaaliwan ng mga netizens ang isang post ng isang babaeng nagbahagi ng kanyang kwelang resume upang mag-apply bilang girlfriend ni Vico

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pabirong nag-post ang isang Facebook user ng kanyang resume para mag-apply sa posisyong maging girlfriend ng mayor ng Pasig City

“Mayor Vico Sotto, ready na po resume ko, kayo po ba ready na po bang tanggapin ako(?)” Ito ang nakakaaliw na caption ng Facebook user na si Hettianne Gamel.

Marami ang naaliw sa kanyang resume na talaga namang umani ng maraming reaksiyon.

Sa resume, inilagay niyang objectives sa pag-a-apply sa puso ni Mayor Vico ay ang “ingatan ka,” “alagaan ka,” “sa puso ko ikaw ang pag-asa,” “sa ‘ting mundo, may gagabay sa ‘yo,” at “alay ko’y itong pegmemehel ko.”

Ang mga qualifications umano ni Gamel bilang future first girlfriend ay ang pagiging public servant (naka-public mga post ko sa FB), smart (charot Globe ako), may itsura (may mata, ilong, bibig naman ako. Pimples din.)

Dahil sa naging pahayag ni Vico tungkol sa katangian ng kanyang ideal girl na pareho sila ng wavelength lalo na sa topic ng governance, inilagay din ni Gamel ang tungkol sa kanyang political views.

“I’m not really vocal with political views these past few years but I have my own stand. Pwede nating pag-usapan ‘yan habang nagsta-star gazing tayo mayor. Char,” dagdag pa ng dalaga sa kaniyang resume.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naging witty rin si Gamel sa kaniyang mga “character references” kung saan naglagay ito ng mga quotable quotes ng mga taong malalapit sa kaniya.

“Hindi siya (ma)ganda, pero hindi rin siya nang-iiwan,” ayon umano sa kaniyang bestfriend.

“Perfect siya magluto ng pancit canton, like, super perfect,” ayon pa umano sa kaniyang roommate.

“Kahit shy type siya, she’s a good leader. ‘Pag siya nag-organize ng swimming, natutuloy,” ayon naman sa kaniyang college friend.

Dahil mabilis na nagviral ang kanyang post ay marami na rin ang gumawa ng article tungkol sa kanya.

Gayunpaman, nilinaw niya na biro lamang ang lahat ng kanyang isinulat.

"share ko lang po ulit tong post ko na 'to to inform you guys that every post of mine about mayor Vico is only for fun. I admire him but I'm not ugly crying and crazy wishing for him to even notice me or to be his girlfriend, for I'm aware how high of a person he is. Langit po siya, jejemon ako chour. I just made that resume to give my facebook friends a good laugh. 'Di ko expect na maraming mag-se-share grabe kahiya Kaya sa mga inlove kay yorme pls don't buSzH me 'di po ko nang-aagaw "

Naiulat din ng KAMI, ang tungkol sa pabirong pahayag ni Vico tungkol sa kanyang ideal girl.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo! | HumanMeter

Ruru Madrid gets asked about some questions regarding his new single and some other questions. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel