Mark Herras, binuweltahan ang bashers na may mga negatibong komento sa kanyang lovelife

Mark Herras, binuweltahan ang bashers na may mga negatibong komento sa kanyang lovelife

- Naging usap-usapan kamakailan ang bagong pag-ibig ng Kapuso actor na si Mark Herras

- Pormal niyang ipinakilala ang kanyang girlfriend na umani ng samu't-saring reaksiyon

- Binuweltahan naman niya ang mga negatrons na nagsalita laban sa kaniya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May mga natutuwa para sa bagong kabanata sa lovelife ng Kapuso actor na si Mark Herras. Mayroon din namang nangnenega sa relasyon nila ni Nicole Donesa.

Nagkasama ang dalawa sa katatapos lang na afternoon series ng GMA na Bihag at bago magwakas ang kanilang serye ay bumandera ang balitang na-develop na sila sa isa’t isa.

Si Nicole ay sumali sa Binibining Pilipinas 2013 at sa Miss World Philippines 2014.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Buong pagmamalaking inamin ni Mark at ng baguhang Kapuso actress ang kanilang relasyon. Pinusuan ito ng kanilang followers at mga kaibigan sa showbiz, kabilang na ang mga co-stars nila sa "Bihag" na sina Max Collins at Sophie Albert.

Gayunpaman, may mga netizens din ang nambasag kina Mark at Nicole na hindi pinalampas ng aktor. May ilang bashers pa na nagsabing manang-mana raw si Mark kina Luis Manzano at Gerald Anderson na napakabilis magpalit ng dyowa.

Napamura si Mark bilang tugon sa komentong ito.

Sinagot din niya ang nagsabing siya daw ay “Budoy ng GMA 7.”

Buwelta ni Mark, “Ul*l bulol ako hindi budoy.”

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Inalmahan din nito ang netizen na nagsabing, “Grabe sia ung mga kasabayan nia At ung naging lt nia At gf lumagay n sa tahimik si pa gf gf n lng version ni gerald anderson at Luis M.”

Matatandaang ang huling nakarelasyon ng Kapuso actor ay si Reina Hispanoamericana 2018 Winwyn Marquez. Tatlong taon din tumagal ang kanilang relasyon.

Nauna nang naiulat ng KAMI, ang pag-alma ni Winwyn sa mga nagkokomento tungkol sa buhay pag-ibig ng kanyang dating nobyo.

Si Mark Angelo Santos Herras ay isang artista sa telebisyon at pelikula. Nanalo siya sa reality talent show na StarStruck na ipinalabas sa GMA Network. Naging bahagi rin siya ng mga palabas kagaya ng Forever in My Heart, Encantadia, SOP, and I Luv NY, at GMA Telebabad.

POPULAR: Read more about Mark Herras here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo! | HumanMeter

Ruru Madrid gets asked about some questions regarding his new single and some other questions. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel