Morissette Amon at boyfriend, ipinagpapasa-Diyos na lamang ang pinagdadaanang kontrobersiya

Morissette Amon at boyfriend, ipinagpapasa-Diyos na lamang ang pinagdadaanang kontrobersiya

- Sa gitna ng mga patutsada ng ama ni Morissette Amon sa social media, nanatiling tikom ang bibig ng singer

- Isang makahulugang Instagram post naman ang ibinahagi ng aktres kung saan nag comment ang napapabalitang boyfriend nito

- Ipinagpapasa Diyos na lamang nila umano ang lahat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng mga kontrobersiya sa pagitan ng singer na si Morissette Amon at ama nito, nanatiling tahimik ang singer. Gayunpaman, isang makahulugang Instagram post ang ibinahagi nito.

Ipinagpasa-Diyos na lamang niya ang kung anuman ang pinagdadaanan niya ngayon. Sinuportahan naman ni Dave Lamar ang kanyang pahayag.

Matatandaang naging usap-usapan ang mga tweet ng ama ng singer na nagpahiwatig ng sama ng loob para sa anak.

Taliwas sa pinapalabas diumano ng ama ng singer na nakikipag- live-in siya sa boyfriend, nakikitira umano ngayon ang singer sa bahay ng kanyang co-manager na si Audie Gemora.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Morissette Amon at boyfriend, ipinagpapasa-Diyos na lamang ang pinagdadaanang kontrobersiya

Morissette Amon at boyfriend, ipinagpapasa-Diyos na lamang ang pinagdadaanang kontrobersiya
Source: Instagram

Nagagalit daw ang ama ni Morissette dahil ipinagpalit sila ng kanyang anak sa nobyo nito.

Sobrang active sa social media ngayon ang ama ni Morissette at dito niya ibinubuhos ang kanyang galit sa anak at sa nobyo nitong si Dave Lamar.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Tahimik pa rin si Morissette hanggang ngayon tungkol sa issue nila ng kanyang ama. She’d rather not talk dahil lalaki lamang umano ang problema sa kanilang pagitan.

Si Morissette Amon ay isang mang-aawit at dating aktres. Una siyang nakilala nang maging runner-up sa Star Factor ng TV5 sa edad na 14.

Samantala, naiulat ng KAMI ang tungkol sa kontrobersiyal na post ni Dave Lamar na pinaniniwalaan ng mga netizens na patama sa ama ng kanyang nobya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo! | HumanMeter

Ruru Madrid gets asked about some questions regarding his new single and some other questions. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel