Dennis Padilla, nagsalita na tungkol sa kanilang naging pag-uusap ni Gerald Anderson

Dennis Padilla, nagsalita na tungkol sa kanilang naging pag-uusap ni Gerald Anderson

- Ibinahagi ni Dennis Padilla ang ilang detalye tungkol sa diumano'y pag-uusap nila ni Gerald Anderson

- Ito ay sa gitna ng mga kontrobersiyang kinakasangkutan ng anak niyang si Julia Barretto at ng aktor

- Gayunpaman, hindi niya ibinahagi ang kabuuan ng kanilang pag-uusap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinaalalahanan umano ni Dennis Padilla si Gerald Padilla tungkol sa kanyang anak na si Julia Barretto.

Sa isang press conference kamakailan-lamang para sa kanyang comedy film na "Sanggano, Sanggago hindi Sanggwapo," ibinahagi niya na nakausap niya si Gerald sa kasagsagan ng pagputok ng balita tungkol sa diumano'y panloloko ng aktor kay Bea Alonzo.

"Nag-text muna ako noong lumabas 'yung isyu. Nag-text lang ako. Tapos tumawag siya, kinausap ko. Pagkausap ko, ni-remind ko lang sa kanya, 'Pare, anak ko 'yan,'

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“‘Yun lang. Siguro naman alam niya na ang lalim noon dahil lalaki siya,” dagdag pa ng komedyante.

Matapos niyang sagutin ang ilang katanungan, ipinaliwanag ng komedyante na hindi niya masasagot ang lahat ng katanungan tungkol sa isyu.

Ayon pa sa kanya, nakahanda siyang sagutin ang mga isyu, gayunpaman, malilihis lamang ang attention mula sa pelikulang dapat nila i-promote. May mga tinanggihan na rin daw siyang mga naunang panayam pagdating sa isyu na kinasasangkutan ng anak.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Pinayuhan naman niya ang anak na si Julia sa gitna ng mga kontrobersiya. Sa nauna nang naiulat ng KAMI, isa sa naging payo niya sa anak ay ang magpahinga muna sa social media.

Si Dennis Padilla, ay isang komedyante, TV host, broadcaster sa radyo at aktor. Anak siya ng yumaong si Dencio Padilla, at siya ang ama ng aktres na si Julia Barretto. Siya ay naging konsehal ng Lungsod ng Caloocan noong 2001. Nahalal siya bilang konsehal ng Caloocan mula 2001 hanggang 2007.

POPULAR Read more about Dennis Padilla here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo! | HumanMeter

Ruru Madrid gets asked about some questions regarding his new single and some other questions. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel