MMDA Spokesperson, sinagot ang pambabatikos ni VP Robredo sa ahensiya

MMDA Spokesperson, sinagot ang pambabatikos ni VP Robredo sa ahensiya

- Hindi pinalagpas ni MMDA Spokesperson Celine Pialago ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa yellow lane policy

- Mariing ipinaliwanag ni Pialago na ang lahat ng kanilang ginagawa ay para masolusyunan ang napakabigat na traffic sa bansa

- Puna pa nito, bakit daw palaging mahihirap ang biktima sa statement ni Robredo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mainit at palaban ang naging pahayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago sa kanyang open letter para kay Vice President Robredo at iba pang elected public officials.

Sinagot ni Pialago ang naging pahayag ni Robredo kaugnay sa yellow lane policy.

"Alam namin na halos lahat ng polisiya ay may mga “birth pains”, pero bakit sa lahat ng statement ninyo, parang laging “naha-highlight” na biktima ang mga mahihirap? Para magalit sila sa amin? O para maging sarado ang kanilang kaisipan para hindi na nila tuluyang intindihin ang aming mga paliwanag," anito sa open letter sa pamamagitan ng Facebook account nito.

"Sa pagkakataong ito, PANGALAWANG SAGOT sa pinaka bagong batikos, hindi po kami nag NAG DIDISCRIMINATE.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Uulitin ko, lahat po ng polisiya na meron at ipinapatupad ang MMDA ay masusing pinag maralan at naipasa po sa Metro Manila Council. Uulitin ko po, naipasa sa METRO MANILA COUNCIL.

"Ang Metro Manila Council po ay binubuo ng mga Metro Manila Mayors, bawat polisiya po ay pinagbobotahan at pinag aaralan, nagkakaroon ng information campaign, nagkakaroon ng dry run, nagkakaroon ng public hearing bago maisakatuparan."

Sa open letter ni Pialago, inisa-isa rin nito ang mga problemang anito'y kinakaharap sa mga city buses.

Idinetalye din nito ang ginagawa ng MMDA para raw sa iba't-ibang hamon sa yellow lane policy.

"Wala naman tayong ginawa for 40 years esp in terms of traffic management and infratructures to address the demand to profit urbanization. Cars keep on multiplying while roads are not. Sa mga nagmamagaling, iba noon, iba ngayon. Konti palang kayo noon," dagdag pa ni Pialago.

Kalakip ng open letter nito ay ang larawan mula sa GMA News kaugnay sa naging pahayag ng bise presidente.

Sa isa pang ulat ng KAMI, inireklamo naman ni Pialago si ABS-CBN reporter Doris Bigornia dahil daw sa pananakit at paninira nito sa kanya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!

Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel