Gina Lopez, isinulong ang ilang educational shows para sa mga batang Pinoy
- Isa sa hindi makakalimutan sa yumaong philanthropist na si Gina Lopez ay ang kanyang mga adbokasiya para sa mga batang Pinoy
- Siya ang utak sa likod ng mga sikat na education shows kagaya ng Sineskwela, Mathtinik, Hiraya Manawari at Wansapanataym
- Naisip niya ito upang maging tulong sa pagtaas ng antas ng edukasyon sa bansa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa mga batang '90s, isa marahil sa hindi makakalimutang bahagi ng kanilang kabataan ay ang mga educational TV shows na Sineskwela, Mathtinik, Hiraya Manawari at Wansapanataym.
Ilan lamang ito sa mga palabas na dinisenyo ng pilantropong si Gina Lopez. Nais niyang maitaas ang antas ng edukasyon sa bansa kaya niya naisip ang konsepto ng mga educational shows na ito.
Ang "Sineskwela," ay isang palabas na ipinapaliwanag ang mga teoryang pang-agham at ang "Math Tinik," naman ay nagbibigay linaw sa mga konsepto sa Math. Dalawa lamang sa 19 na educational shows na pinangungunahan ni Lopez.
"Gusto niya mag-develop ng children's shows with Philippine content... Kumuha siya ng mga tiga-DepEd para i-review 'yung content," pagbabahagi ng beteranang mamamahayag na si Tina Monzon-Palma.
Ginagamit din ng mga paaralan sa buong bansa ang mga palabas na ito bilang visual aids.
"It was well-thought off and it was academically researched on what the children want," dagdag pa ni Monzon-Palma.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ang mga palabas ay na-conceptualize dahil sa pagnanais ni Lopez na tulungan ang mga batang Pilipino ayon sa kanyang kapatid na chairman ng ABS-CBN Corporation na si Eugenio "Gabby" Lopez III.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.
Si Gina Lopez ay isang isang environmentalist at pilantropo na nagsilbing Kalihim ng Philippines' Department of Environment and Natural Resources ng Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang 65 taong gulang na environmentalist ay namatay noong nakaraang linggo dahil sa multiple organ failure sanhi ng brain cancer.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo! | HumanMeter
Ruru Madrid gets asked about some questions regarding his new single and some other questions. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.
Source: KAMI.com.gh