Mayor Isko, nag-excuse sa kanyang FB live dahil sa tawag mula sa anak

Mayor Isko, nag-excuse sa kanyang FB live dahil sa tawag mula sa anak

- Muli na namang nag-viral si Mayor Isko kamakailan matapos ang napaka-cute na "moment" nito sa anak na si Drake

- Sa kalagitnaan ng FB live ng alkalde ay biglang tumawag ang kanyang anak kaya naman nag-excuse muna ito para sagutin ang tawag

- 'Yun pala, naglambing lamang ito sa kanyang papa sa pamamagitan nang pagpapabili ng pagkain mula sa McDonalds

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kalagitnaan ng Facebook live ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso kamakailan, isang tawag ang pumutol sandali rito.

Ang caller, walang iba kun'di ang napakacute na anak ni Mayor Isko na si Drake.

At ang dahilan nang biglang pagtawag nito sa kanyang papa Isko ay pagpapabili ng pagkain mula sa McDonalds na ikinatawa naman ng mga kasamahan ni Mayor sa opisina.

"Teka lang mga kababayan ha, father-duty 'to," ani pa ni Moreno.

"Sensya na mga kababayan... papa-duty 'yan... tosgas!" natatawang sabi pa nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dati nang naiulat ng KAMI ang makulit na lambingan nina Mayor Isko at anak na si Drake habang nasa isa ring FB live ang alkalde.

Marami naman ang humanga sa ipinakitang pagmamahal ni Moreno sa kanyang anak.

Narito ang video na muling ibinahagi ng Facebook page na Pinoy Trend:

Si Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ang ika-27 mayor ng siyudad ng Maynila.

Bago ito naging politiko ay isa itong aktor na sumikat sa programang "That's Entertainment" ni German Moreno.

Nadiskubre ito sa isang lamay at doon na nagsimula ang kanyang career bilang aktor.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!

Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel