Libing ng isang dalaga, nagpatuloy sa kabila ng napakataas na baha

Libing ng isang dalaga, nagpatuloy sa kabila ng napakataas na baha

- Ipinagpatuloy pa rin ang isang libing sa Laoag City nitong Sabado sa kabila nang hanggang dibdib na taas ng baha

- Ang inilibing, isang 23-anyos na dalagang namatay dahil sa isang sakit

- Nag-viral sa social media ang post ng hipag nito na nagsama pa ng ilang larawan ng libing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpatuloy pa rin ang paghahatid sa huling hantungan sa isang 23-anyos na dalagang namatay dahil sa sakit na lupus, nitong Sabado sa Laoag City, Ilocos Norte.

Sa Facebook post ni Debralyn Layugan Wasay Matulin, hipag ng nasawing si Milagros Aguinaldo, makikita ang kaawa-awang lagay ng pamilya at mga kakilala habang hinahatid sa huling hantungan ang nasawing kaanak.

Buhat ng ilang kalalakihan ang kabaong ni Aguinaldo na isinakay pa sa parang jet ski para maitawid sa napakataas na baha.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mabilis na nag-viral sa social media ng post ni Matulin na umabot sa mahigit 1,000 ang shares sa Facebook at 4,000 reactions mula sa mga netizens.

Nito ring Sabado, idineklarang nasa state of calamity na ang buong probinsya ng Ilocos Norte dahil sa matinding hagupit ng bagyong Ineng.

Dalawa na ang naiulat na namatay sa probinsiya base sa ulat ng ABS-CBN News.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!

Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel