Eagle Riggs, ibinahagi ang emosyonal na pagtatagpo nila ng nakabundol sa kanya

Eagle Riggs, ibinahagi ang emosyonal na pagtatagpo nila ng nakabundol sa kanya

- Isang emosyonal na pagtatagpo ng TV host-comedian na si Eagle Riggs at ang taong nakabundol sa kanya ang ibinahagi online

- Pinatawad ng TV host ang driver ng motor matapos nitong personal na magtungo sa ospital

- Matindi ang tinamo mga sugat ni Eagle sa mukha at binti na kinailangan pang lagyan ng bakal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napabalitang nabundol ang TV host-comedian na si Eagle Riggs sa Puerto Princesa, Palawan kamakailan.

Personal na nagtungo sa ospital kung saan naka-confine si Eagle ang driver ng motor na nakasagasa sa komedyante habang tumatawid sa Rizal Avenue Extension sa Puerto Princesa nitong Lunes.

Hindi biro ang tinamong pinsala ng TV host. Nagkaroon ng injury ang kaliwang mata nito at nagtamo ng mga sugat sa mukha at binti.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umiiyak na lumapit kay Eagle ang driver na si Rey Vincent Pacaldo, isang construction worker, habang humihingi ng tawad. Niyakap din nito ang comedian na naiyak na rin sa pagso-sorry ng lalaki.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ibinahagi ni Eagle ang video ng kanilang pagkikita kung saan humingi ng tawad ang rider.

“Mahalin mo ang pamilya mo mahalin mo ang mga anak mo mag-iingat na sa pagmamaneho,” sabi ni Eagle.

“Sana makita mo ulit ako sa kalsada, bumusina ka ha kahit di ako, kahit sino pa yan buhay yan. May mga pamilya yan.” dagdag pa niya.

Matatandaang una nang sinabi ng TV host na nais niyang panagutin ang lalaking nakabundol sa kanya.

Si Eagle Riggs ay isang artista, komedyante at host. Si Eagle o Michael Anthony Pangilinan Riggs sa totoong buhay ay nasa industriya ng media sa loob ng 25 taon at pamilyar sa lahat ng aspeto ng production, na naging isang editor, manunulat at producer.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo! | HumanMeter

Ruru Madrid gets asked about some questions regarding his new single and some other questions. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel