Sen. Sotto, ipapakita raw ang mga larawan ni Sanchez na nakadamit pambabae

Sen. Sotto, ipapakita raw ang mga larawan ni Sanchez na nakadamit pambabae

- Sinuportahan ni Senate President Tito Sotto ang naging pahayag ni Senator Bato dela Rosa kaugnay ng pagiging "changed man" ni Sanchez

- Sabi pa ni Sotto, ipapakita niya ang sinasabing larawan ni Sanchez

- Naniniwala naman ito na hindi na dapat pang bigyan ng pagkakataong makalaya pa si Sanchez

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang panayam kay Senator Vicente "Tito" Sotto, sinabi nitong totoong may mga larawan si Antonio Sanchez habang naka-damit pambabae.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Senator Ronald "Bato" dela Rosa kamakailan lang na "changed man" na nga si Sanchez.

“Nagbait na (si Sanchez). In fact, nakikita nila na nagpapalda na nga daw, so changed man na talaga siya, changed man," matatandaang sabi ni Dela Rosa sa isang panayam dito.

“Totoo ’yun. May mga litrato . . . Ipe-presenta ko ’yung photo sa inyo,” sabi naman ni Sotto sa isang ulat ng ABS-CBN News.

“Binabae na siya (Sanchez).” dagdag pa ni Sotto.

Matatandaang binatikos si Senator Bato matapos sabihing dapat bigyan ng "second chance" si Sanchez.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“I’d like to think hindi natapos ’yung gusto niya (Dela Rosa) sabihin. Pero second chance na du’n niya gusto sabihin nagbago na, nagbago na nagbibihis na babae na. Hindi niya nai-timing,” sabi ni Sotto.

“Second chance to commit the same crime? Anong second chance? Will you give him a second chance to do the same crime?” dagdag pa ng senate president.

Kasalukuyang nakapiit si Sanchez sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City matapos mahatulan noong 1995.

Kamakailan lang, mabilis na umugong ang mga balitang posibleng makalaya nga si Sanchez dahil sa "good conduct", na una nang naibalita ng KAMI.

Sa isa pang article ng KAMI, sinabi ni Sanchez na siya ay inosente sa pagpatay sa dalawang UPLB students at na-frame up lamang ng mga kalaban sa politika.

Si Vicente "Tito" Castelo Sotto III ay dating artista at miyembro ng sikat na TVJ trio o Tito, Vic and Joey.

Siya ang ika-29 at kasalukuyang senate president sa bansa.

Kasal ito sa beteranang aktres na si Helen Gamboa at may apat na anak dito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!

Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel