Gretchen Diez, bukas umano sa posibilidad na pumasok sa pulitika

Gretchen Diez, bukas umano sa posibilidad na pumasok sa pulitika

- Isang kontrobersiyal na pahayag ng transgender woman na si Gretchen Diez ang muling umani ng reaksiyon

- Matapos ang mga kontrobersiyal na pahayag niya tungkol sa isyung kinasangkutan, isa na namang pasabog ang inalmahaan ng ilang netizens

- Ayon sa kanya, bukas siya sa posibilidad na pumasok siya sa politika

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila hindi sasayangin ng trans woman na si Gretchen Diez ang kasikatan na tinatamasa niya mula nang mag-viral ang video niya sa comfort room na nangyari sa Farmers Plaza Cubao, Quezon City ilang araw na ang nakalilipas.

Sa isang panayam, sinabi ni Diez na bukas siya upang pumasok sa politika upang itulak ang mga panukala para sa kapakanan ng LGBTQ community.

Ayon sa kanya, iilan lamang ang mga miyembro ng LGBTQ community na nagkakaroon ng pagkakataon na marinig ang boses sa lipunan, lalo na sa gobyerno.

“I’m willing to maximize all of the power that’s in front of me para makapag-advocate ng change sa ating bansa. If it takes running for office, then I’m open for that. Siguro wala naman pong masama na ang isang transgender na katulad ko ay mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng boses lalo na po sa ating pamahalaan,”sabi ni Diez.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inihayag ni Diez na may ilang mga tao na nagtutulak sa kanya na tumakbo para sa pulitika habang naghahanap siya ng hustisya sa naranasan niya sa Farmers Plaza matapos siyang pigilan ng isang janitress sa paggamit ng pambabaeng CR.

“Sabi na gusto pa nila akong tumakbo. Ako po ngayon ang gusto ko lang naman po ay mabigyan ng katarungan ang nangyari po sa akin kasi po 28 years po akong nabubuhay sa mundo, 28 years ko pong naranasan ang diskriminasyon,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. https://www.facebook.com/kamicomph/

“Noong mga panahon na ako’y bata pa at wala pa akong edukasyon at wala pa po akong kaalaman tungkol sa pagsulong ng mga karapatan ko. Now that I’m given the education, now I’m given this privelege to be the voice of the LGBTQ+ community or being the voice for equality,” saad ni Diez.

Dahil sa nangyari kay Diez ay patuloy na pinag-uusapan ngayon ang pagpasa ng SOGIE bill.

Maraming mga pulitiko, kilalang tao at iba pang personalidad ang nagpakita ng kanilang suporta kay Diez at sa SOGIE bill.

Gayunpaman, ang mga pulitiko tulad ni Senate President Tito Sotto ay hindi pa rin kumbinsido na ang nasabing panukalang batas ay dapat maging isang batas.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo! | HumanMeter

Ruru Madrid gets asked about some questions regarding his new single and some other questions. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel