Andrea Brillantes, kinilig sa super sweet surprise ni Seth Fedelin

Andrea Brillantes, kinilig sa super sweet surprise ni Seth Fedelin

- Isang sorpresa ang inihanda ni Seth Fedelin para sa on-screen partner na si Andrea Brillantes

- Ito ay kasabay ng kanyang pagtanong sa aktres kung pwede siyang maging partner nito sa darating na ABS-CBN ball

- Isang matamis na 'oo' naman ang naging tugon ng dalaga sa kanyang paanyaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang on-screen sweethearts na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes ay nakatakdang rumampa sa red carpet na magkasama sa ABS-CBN Ball, matapos ang sorpresa ni Seth para sa aktres para anyayahan itong maging partner sa ball.

Sa Instagram, ibinahagi ni Fedelin ang isang larawan kasama ang kanyang "Kadenang Ginto" co-star sa loob ng isang silid na puno ng mga pulang lobo. Si Brillantes ay makikitang may hawak na isang palumpon ng mga sunflower, habang si Fedelin ay may hawak na stuffed toy na aso.

Sa isang hiwalay na post mula kay Brillantes, kanyang ibinahagi ang litrato ng ilang mga kandila sa sahig na hugis puso at may mga rose petals.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Salamat Marga este Ms. Blythe sa pagpayag na maging kapartner ko sa darating na ABS-CBN Ball," isinulat ni Fedelin sa caption, na tinutukoy ang karakter ni Brillantes sa "Kadenang Ginto", at ang kanyang tunay na pangalan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

"At muli mong tatandaan: Kahit na ano ang ibig sabihin ng iba, respeto ko sa iyo at kailanman ay hindi mawawala," dagdag pa niya.

Ang 2009 ABS-CBN Ball ay nakatakdang ganapin sa Setyembre 14 at may temang Filipiniana. Ang charity event ay para sa programa ng Bantay Edukasyon ng Bantay Bata 163.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo! | HumanMeter

Ruru Madrid gets asked about some questions regarding his new single and some other questions. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel