Babaeng nagkaroon ng brain injury, papakasalan muli ang asawang nakalimutan na niya

Babaeng nagkaroon ng brain injury, papakasalan muli ang asawang nakalimutan na niya

- Viral ngayon ang kwento ng isang babaeng nagkaroon ng brain injury

- Gumising kasi siya nang wala nang maalala sa kasalukuyan at inakala niyang siya ay 17 taong gulang pa lamang

- Di na niya maalalang kasal na siya ngunit di siya sinukuan ng mister hanggang sa mahulog muli ang loob nito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang namangha sa kakaibang love story ni Laura Hart Faganello at ng kanyang mister na si Brayden James Faganello.

Kinuwento ni Laura ang aksidenteng kanyang natamo siyam na buwan matapos silang ikasal ni Brayden.

Nabagsakan ang kanyang ulo ng isang poste sa inaayos nilang event dahilan para magkaroon siya ng brain injury.

Paggising ni Laura, inakala niyang 17 anyos lamang siya at wala nang maalala tungkol sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Maging ang pagsusulat at pagbabasa ay tila bahagya niyang nalimutan kaya naman kinailangan niya muli itong pag-aralan.

Di talaga naging madali ito para kay Laura gayundin sa kanyang mister na talagang nahirapan din sa kalagayan ng misis na parang ibang tao ang trato sa kanya.

Bukod sa long at short term memory loss, dumaan din siya sa depression lalo na nang maisip niyang marami ang nawala sa kanyang alaala.

Dumating sa puntong inisip niyang di na dapat siya manatili sa isang sitwasyong di niya maalala at ito ay ang buhay may asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit di siya sinukuan ng mister. Mas lalo nitong pinadama ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanyang misis.

Unti-unti, naging magkaibigan na sila ng misis at di nagtagal, minahal muli ni Laura si Brayden.

Di man niya maalala ang dati niyang naramdaman sa mister, handa na ngayon siyang muli itong pakasalan at bumuo ng mga bagong alaala.

Patunay lamang na kung anuman ang mayroon sila ng kanyang mister, tunay ito at sadyang sila ang itinadhana para sa isa't-isa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gay Lingo is a huge local phenomenon! Let us see if we can explain the meaning of some slang terms to the rest of the world.

Ano Ang Meaning Ng Dakota Harrison? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel