Jollibee, kinumpirma na ang pag-hire sa mga senior citizens at PWD sa Maynila

Jollibee, kinumpirma na ang pag-hire sa mga senior citizens at PWD sa Maynila

- Nagpirmahan na ng Memorandum of agreement ang Jollibee Foods corporation at City of Manila sa pagtanggap ng mga senior citizens sa kanilang mga fast food chains

- Bukod sa Jollibee, magha-hire din ang Greenwich, Mang Inasal at Chowking ng mga senior at PWD

- Sa ngayon, nasa 78 senior citizens at 39 mute and deaf sa Maynila ang kailangan para sa 39 branches ng mga fast food chains sa lungsod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumpirmado na ang pag-hire ng mga senior citizens at person with disabilities sa mga fast food chains sa ilalim ng Jollibee Foods corporation.

Ayon sa ulat ni Katrina Domingo ng ABS-CBN news, nagpirmahan na ng kasunduan sina Manila Mayor Isko Moreno at Jollibee president Justo Alano para sa pagtanggap nila ng mga empleyadong senior citizens at PWD.

Tinatayang nasa 78 na senior citizens at 39 mute and deaf na mga taga-Maynila para sa 39 na branches ng JFC group ag kailangan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ang JFC group ay binubuo ng Jollibee, Chowking, Mang Inasal at Greenwich.

Ayon sa Memorandum of Agreement, tinatayang nasa ₱5,000 ang maaring kitain ng senior o PWD na magtatrabaho lamang ng di hihigit sa 4 na oras sa isang araw.

Prayoridad din nila ang mga empleyadong malalapit lamang sa branch upang di na ito bumiyahe pa o mamasahe ng husto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Magsisimula na ang screening process sa susunod na linggo.

Maaalalang nito lamang nakaraang buwan, una nang naibalita ng KAMI ang mungkahi na ito ni Mayor Isko na ngayon ay maisasakatuparan na talaga.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gay Lingo is a huge local phenomenon! Let us see if we can explain the meaning of some slang terms to the rest of the world.

Ano Ang Meaning Ng Dakota Harrison? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel