Bureau of Corrections: Sanchez, maaaring magtagal pa sa Bilibid

Bureau of Corrections: Sanchez, maaaring magtagal pa sa Bilibid

-Matapos lumabas ang balitang makakalaya na si Antonio Sanchez, sinabi ng Bureau of Corrections na posibleng magtagal pa ito sa kulungan

-Ito mismo ay pahayag mula kay BuCor chief Nicanor Faeldon

-Kasunod ito nang kaliwa't kanang pagtutol sa paglaya ng dating alkalde ng Calauan, Laguna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pa lalaya si Antonio Sanchez sa kabila ng balitang posible na itong makalaya sa loob ng dalawang buwan dahil sa "good conduct".

Ito ay ayon kay Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon, base ito sa "preliminary" findings na nagpapakitang hindi pa qualified si Sanchez para makalaya.

“Preliminary, kasi marami siyang involvement sa some not good behaviors, eh baka hindi nga siya qualified, that’s really the probability,” anito sa isang ulat ng GMA News.

“He may not be qualified to go home today or in the next few months, mukhang hindi siya makakapasok agad. Baka abutin pa siya ng several years,” dagdag pa ni Faeldon.

Una nang sinabi ni Faeldon na huwag muna pakasiguro na makakasama nga si Sanchez sa mahigit 10,000 inmates na palalayain sa ilalim ng good conduct time allowances (GCTA).

Taong 2006 nang mahulihan ng mga ipinagbabawal na gamot si Sanchez sa loob ng kanyang selda ngunit ayon kay Faeldon ay na-dismiss ang kaso laban dito.

July 2010 nang makumpiska naman ang P1.5 million halaga ng shabu na nakatago pa sa isang statue ng Blessed Virgin Mary sa loob ng selda nito.

2015 naman naman nang makuha mula rito ang ilang unauthorized na gamit tulad ng aircon at flatscreen TV.

Para naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo na noo'y tumayong isa sa mga abogado ni Sanchez, kailangang ikonsidera ng ahensiya ang lahat bago sa posibleng paglaya ni Sanchez.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“I think what is important is, you strictly observe the impositions under the law,” anito.

Una nang naiulat ng KAMI ang pagtanggi ni Panelo sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa paglaya ng convicted murderer at rapist na si Sanchez.

Si Sanchez na noo'y alkalde ng Calauan ang itinurong utak sa panghahalay at pagpatay sa dalagang si Eileen Sarmenta at pagpapahirap at pagpatay sa college sweetheart nito na si Allan Gomez.

Kasabwat nito ang ilang pulis at tauhan niya na siyang dumakip sa dalawa bago dinala sa farm ni Sanchez kung saan hinalay si Sarmenta at pinahirapan si Gomez.

Natagpuan na lamang sa magkaibang lugar ang bangkay ng mga biktima.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!

Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel