Inang kasabay ang anak na mag-grade 1, pursigidong ituloy ang naudlot na pag-aaral

Inang kasabay ang anak na mag-grade 1, pursigidong ituloy ang naudlot na pag-aaral

- Kaklase ng isang Grade 1 student ang kanyang ina

- Di raw kasi ito nakapag-aral at ni hindi manlang nito maisulat ang kanyang pangalan

- Ang kanyang anak pa ang nagtuturo sa ina ng mga dapat gawin at mga assignments nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw pansin ang isang nanay na nasa klase ng Grade 1 kasama ang kanyang anak na kaklase pa niya sa Tagum Elementary School sa Marinduque.

Binahagi ng Reel Time ang kwento ni Monaliza de Belen na di nakapag-aral agad noong siya ay bata pa lamang.

Ni hindi nga niya alam kung ilang taon na siya dahil sa di siya marunong magbilang.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Bagaman at pursigidong magkapag-aral ang ina, hirap pa rin talaga ito na makapagbasa at iba pang gawain sa eskwelahan.

Kung tutuusin pa nga raw ay mas marami nang alam ang kanyang anak na si Norelyn Montante kay sa kanya samantalang magkaklase naman sila.

Kapag nagagawa ng tama ni Monaliza ang mga pinagagawa ng guro, binibigyan siya nito ng premyo gaya ng bigas at iba pang tulong na maarinig ibigay nito.

Ayon sa guro ni Monaliza na si Enrile Palermo, kita naman ang hirap ng kalagayan ng pamilya nina Monaliza.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alamang di rin pala nakatapos ng pag-aaral ang asawa.

Kaya naman imbis na si Norelyn ang tinuturuan ng ina, ang bata pa ang nagtuturo sa nanay.

Magsilbing inspirasyon sana sa bawat isa sa atin ang kwentong ito tungkol sa kahalagahan ng edukasyon a ating buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gay Lingo is a huge local phenomenon! Let us see if we can explain the meaning of some slang terms to the rest of the world.

Ano Ang Meaning Ng Dakota Harrison? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel