OFW na nireklamo ang mister kay Tulfo, nagmamadali nang umuwi kasama ng asawa

OFW na nireklamo ang mister kay Tulfo, nagmamadali nang umuwi kasama ng asawa

- Viral ang nakakatuwang panauhin ni Raffy Tulfo sa programa niya nitong Agosto 22

- Nireklamo ng isang misis ang asawang masakit magsalita at minsa'y nakakapanakit pa ng pisikal

- Nang maayos ang gusot sa kanilang barangay, nagmadali nang umuwi pareho ang mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang OFW ang dumulog kay Raffy Tulfo sa kanyang programa upang ireklamo ang mister na masakit magsalita at minsa'y nanakit pa ng pisikal.

Nakilala ang OFW na si Veronica Castro at emosyonal nitong sinalaysay ang ginagawa sa kanya ng mister na si Sonny Boy Castro.

Masama ang loob ng misis dahil masakit ang di magagandang salita na binibitawan ng mister kahit pa kaharap daw nito ang kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Isa raw dahilan kumbakit naisipan na ring mag-abroad ni Veronica ay upang makalayo sa mister.

Sa kabila pa raw ng pagha-hanapbuhay niya as ibang bansa para sa kanilang pamilya ay nagagawa pa raw siyang siraan ng mister. Pinagkakalat daw nito na nanlalaki siya kaya raw ito nagpakalayo-layo.

Resbak naman ng misis, may nakita siyang "conversation" ng mister sa ibang babae bagay na pinabulaanan ni Sonny Boy.

Dahil sa labis na emosyon na ang binuhos ni Veronica sa studio pa lamang, sinamahan na ng team ng Raffy Tulfo in Action ang mag-asawa sa barangay upang magkaharap.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa umpisa ng pag-uusap ng mag-asawa sa barangay, ramdam pa rin ang tensyon sa dalawa.

Ngunit nang mapaliwanagan na ng kapitan at ilang opisyal doon, tila nahimasmasan ang dalawa ay nagkaayos din.

Ang nakakatawa pa sa nangyari bukod sa di na natuloy ang balak na hiwalayan, magkasabay nang umuwi ang dalawa at nagmamadali pa dahil sila raw ay 'magha-honeymoon'.

Mabilis na nag-viral ang nakakatuwang video na ito at kinapulutan din ng aral tungkol sa buhay mag-asawa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gay Lingo is a huge local phenomenon! Let us see if we can explain the meaning of some slang terms to the rest of the world.

Ano Ang Meaning Ng Dakota Harrison? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel