Babaeng nakatulog sa bus, nagkaroon ng instant admirer

Babaeng nakatulog sa bus, nagkaroon ng instant admirer

- Viral ang post ng babaeng nakatulog sa bus at nang magising ay nakatanggap ng tiket na may sulat sa likod

- Nalibre pa siya ng pamasahe ng misteryosong lalaki na natuwa sa kanya habang siya ay natutulog

- Kinilig ang mga netizens sa kakaibang karanasan na ito ng babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang nakakatuwang karanasan ng netizen na si Jean Arbon nang minsang makatulog siya sa bus pauwi ng kanilang bahay.

Di niya kasi inaasahan na sa kanyang pag-idlip ay mayroon pa siya ng admirer.

Nagising na lamang si Jean nang malapit na siya sa kanyang bababaan.

Nagulat siya na hindi man lang siya ginising ng konduktor upang singilin ng pamasahe.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Nang tanungin ang konduktor, inabot nito ang tiket na may nakasulat sa likod.

"Hi miss, I find u cute while u were sleepin' fare is on me. Eng'r, Saw u twice, hope to meet u again!" ang nakasulat sa tiket.

Ang problema, wala man lang pangalan o numero ang tiket para sana mapasalamatan niya ang misteryosong "engineer" na nilibre pa siya sa pamasahe.

Dahil dito, maraming netizens ang kinilig at nagnanais na may makasakay ding lalaking tulad ni "engineer"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Unang pahina na maam..sa.inyung love story..bka sunod nmung byahe pa uli.ang pangalawang pahena at ang pag kila2x sa isat2x ayeeeeeaee"
"Hala. Ka kilig. Haha"
"Makatulog nga rin sa bus baka may manlibre sakin ng pamasahe"
"Ang cute ng love story niyo po pag nagkataon..."
"Sana magkita po ulet kayo...update kami"

Mayroon nang 39,000 reactions at 23,000 shares ang post na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gay Lingo is a huge local phenomenon! Let us see if we can explain the meaning of some slang terms to the rest of the world.

Ano Ang Meaning Ng Dakota Harrison? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel