Janitress sa kontrobersyal na paggamit ng CR ng Trans woman, nagsalita na

Janitress sa kontrobersyal na paggamit ng CR ng Trans woman, nagsalita na

- Lumabas na ang video ng panayam kay Chayra Ganal, ang janitress sa kontrobersyal na paggamit ng palikuran ng isang trans woman

- May ilang bagay siyang klinaro na taliwas sa mga pahayag ng trans woman na si Gretchen Diez

- Nilinaw rin niya na hindi siya ang nasa likod ng mga fake accounts na nasa kanyang pangalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video ng panayam kay Chayra Ganal, ang janitress na sangkot sa kontrobersyal na paggamit ng Ladies' restroom ng isang Trans woman sa Farmer's Plaza, Cubao nitong nakaraang Linggo.

Binahagi ng PressOne.PH ang mismong panayam nila kay Chayra na nagbigay ng pagka-klaro sa ilang mga pahayag ni Gretchen Diez ukol sa insidente.

Sinabi ni Chayra na maayos niyang nilapitan si Gretchen matapos magreklamo ng dalawang babae na may nakapilang "LGBT" sa palikuran ng mga babae.

Dahil dito, natapik ni Chayra sa bandang balikat si Gretchen at minungkahing gamitin na lamang ang palikuran na panlalaki dahil walang pila at walang tao roon.

Di na raw niya tinuro ang CR na para sa PWD dahil sa marami rin ang nakapila roon.

At doon na raw nagsimula ang problema.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Nilabas na raw ni Gretchen ang kanyang cellphone at nagsimula na raw itong mag-Facebook live.

Pilit namang pinatitigil na ni Chayra ang pagkuha ng video ni Gretchen na inakala pa nga niyang picture lang.

Dahil dito, aminado si Chayra na natabig niya ang cellphone ni Gretchen ngunit nilinaw niyang di niya ito sinampal. Sa Facebook live kasi nito, sinabi ni Gretchen na nasampal daw siya ni Chayra bagay na pinabulaanan ng janitress.

Katunayan, nasiko pa nga raw ni Gretchen ang tumulong na kasama ni Chayra na isa ring janitress at ang malala pa nito, pitong buwan itong buntis.

Di naman na nagsampa ng reklamo ang buntis kahit tinamaan ang kanyang tiyan.

Nilinaw din ni Chayra na di niya kinaladkad si Gretchen papunta sa security office ng mall dahil di raw niya ito kayang gawin at di hamak na mas malaki ito sa kanya.

Sinabi rin niyang wala itong posas sa nang dalhin na sa pulisya mula sa mall.

Sa police station, kung saan inabot na sila ng magdamag, sumunod si Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman na isa ring miyembro ng LGBT community.

Naikwento rin ni Chayra na nasabihan din siya ng congresswoman ng "Shut up!" na itinanggi naman nito sa hiwalay na panayam.

Wala nang kasuhan pang nangyari sa pagitan nina Gretchen at ni Chayra subalit ang Farmer's Plaza ang pinananagot nito sa mga nangyari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nilinaw din ni Chayra na hindi siya ang nasa mga Facebook account kung saan kung ano-ano nang di magagandang salita ang naka-post.

Na-hack na rin ang kanyang Facebook. Di na niya magalaw ang mismong account niya ngunit nakatanggap naman siya ng mensahe na nakuha na nga ng mga hackers ang kanyang mga larawan.

Ang masaklap pa, sa tatlong pekeng account na nakita niya sa Facebook, ang isa pa rito ay may larawan na kasama pa niya ang anak niya na nadadamay na rin sa isyu.

Bago natapos ang panayam, sinabi ni Chayra na di naman na niya sana sisitahin pa si Gretchen kung di dahil sa dalawang babaeng nagreklamo.

Marami na rin naman daw na nag-CR doon noon na mga Trans woman, nagkataon lamang na sa oras na iyon ay mayroong mga umalma.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gay Lingo is a huge local phenomenon! Let us see if we can explain the meaning of some slang terms to the rest of the world.

Ano Ang Meaning Ng Dakota Harrison? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel