Locsin sa posibleng paglaya ni Sanchez: "He deserves to die in his cell,"

Locsin sa posibleng paglaya ni Sanchez: "He deserves to die in his cell,"

- Nagbigay ng pahayag si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. kaugnay sa posibleng paglaya ni Antonio Sanchez

- Maging si Senator Franklin Drilon, hindi rin sang-ayon na makalaya ang dating mayor ng Calauan

- Naging maingay muli ang kaso ng panghahalay at malupit na pagpatay ng grupo ni Sanchez sa UP students noong 1993

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mariing tinutulan ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang posibleng paglaya ni Antonio Sanchez.

"No. He deserves to die in his cell," ani Locsin kung dapat pa bang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang convicted murderer at rapist na si Sanchez, sa ulat ng News5.

Maging si Senate Minority Leader Franklin Drilon hindi rin sang-ayon sa balitang maaaring makalaya si Sanchez matapos ang halos tatlong dekadang pagkakakulong.

Si Drilon ang nagsilbing secretary of justice nang mga panahong nililitis ang kaso nang karumal-dumal na pagpatay at panghahalay sa dalawang estudyante ng UP Los Banos.

"I am shocked and saddened by this news. I had personally worked hard during my time as secretary of justice to the victims and their families. Dugo't pawis at luha po ang inukol natin d'yan," ani Drilon, sa ulat ng Philippine Star.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi rin pabor si UP professor at dating DSWD secretary na si Judy Taguiwalo sa balitang ito.

"No, we cannot allow this injustice to happen," anito.

Naging maugong muli ang malagim na krimen ng panghahalay at pagpatay kay Eileen Sarmenta at pagpapahirap at pagpatay sa college sweetheart nito na si Allan Gomez.

Kamakailan kasi, lumabas sa mga balita na posibleng makalaya si Sanchez na siyang itinurong utak ng malagim na krimen kasabwat ang ilang pulis at tauhan nito.

Kasama si Sanchez sa mahigit 10,000 inmates na posibleng makalaya dahil sa "good conduct".

Ayon pa sa DOJ, walang legal na hadlang para makalaya si Sanchez, na una nang naiulat ng KAMI.

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, dahil sa balitang ito, muling nanariwa ang sakit ng pagkamatay ng dalawang estudyante.

Napag-alamang ang sasakyang ginamit ng mga ito bago sila dukutin ay nananatili pa sa tahanan ng mga Gomez.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!

Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel