Sasakyang ginamit ng 2 UP students bago dukutin noong 1993, nakagarahe pa

Sasakyang ginamit ng 2 UP students bago dukutin noong 1993, nakagarahe pa

- Nasa garahe pa ng Gomez residence ang sasakyang ginamit ng dalawang UP students bago sila dakipin ng mga tauhan ni dating Calauan Mayor Sanchez

- Matapos ang balitang posibleng makalaya si Sanchez, muling nanariwa ang malagim na sinapit ng mga biktimang si Eileen Sarmenta at Allan Gomez

- Matatandaang 7 counts of reclusion perpetua ang naging hatol kay Sanchez matapos mahatulang guilty noong 1995

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling nanariwa sa bansa ang malagim na sinapit ng dalawang UPLB students na hinalay at malupit na pinatay noong 1993.

Ito ay matapos lumabas ang balitang posibleng makalaya ang convicted na mastermind sa krimen na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Katunayan, ang sasakyang ginamit ng mga biktima na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez bago sila dukutin noong June 1993 ay nakagarahe pa sa Gomez residence.

Naitago din ang liham ni dating Pangulo Fidel Ramos sa pamilya ni Gomez na nangako ng hustisya para sa mga ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Base sa testimonya ng dalawang witness na dating mga tauhan din ni Sanchez, dinakip ang dalawa sa loob ng UP Los Banos Campus.

Ayon sa isa, si Sarmenta ay naging "regalo" ng noo'y Deputy chief ng PNP Laguna na kasamang dumukot sa biktima, kasabwat ang iba pang pulis.

Matagal na raw natipuhan ni Sanchez ang biktimang si Sarmenta.

At noong gabi nang pagdukot dito, nakasakay ito sa naturang sasakyan kasama ang college sweetheart na si Gomez.

Si Gomez ay pinahirapan muna bago pinagbabaril habang si Sarmenta ay ginahasa muna ni Sanchez bago halinhinang ginahasa ng mga tauhan nito kabilang ang ilang pulis, bago binaril sa mukha.

Samantala, hindi naman matanggap ng ina ni Sarmenta na maaaring makalaya si Sanchez.

Sa isang ulat ng KAMI, sinabi nitong naisip nila na baka nahaluan ng politika ang kaso dahil si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang tumayong abogado noon ni Sanchez.

Ayon naman sa DOJ, wala nang legal na hadlang para makalaya si Sanchez na una nang naibalita ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!

Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel