Panelo, itinangging may kinalaman sa paglaya ni dating Mayor Antonio Sanchez

Panelo, itinangging may kinalaman sa paglaya ni dating Mayor Antonio Sanchez

-Mariing itinanggi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na may kinalaman siya sa paglaya ni dating Mayor Antonio Sanchez

-Ito ay matapos magbigay ng pahayag ng nanay ng biktimang si Eileen Sarmenta na ginahasa at pinatay ng grupo ni Sanchez

-Labis naman ang hinagpis ng mga naulila ni Sarmenta at ng nobyong si Allan Gomez na parehong biktima ng malagim na krimen na ang utak daw ay ang ex mayor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling bumalik ang sakit sa mga naulila nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez nang malamang posibleng makalaya si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ang dalawa, parehong biktima ng malagim na krimen ng panghahalay at pagpatay na ang itinurong utak ay si Sanchez.

Sabi pa ng ina ni Sarmenta, baka nahaluan ng politika ang biglaang paglaya ng dating alkalde.

Napag-alaman ng KAMI na si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang abogado noon ni Sanchez.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Secretary Panelo ay legal counsel ni Sanchez noong nililitis ang aming kaso. Kaya siguro medyo sa tingin po namin, masakit po ang loob namin na malakas si Sanchez maybe just because of him." ayon kay Ma. Clara Sarmenta sa isang panayam ng GMA News.

Hiniling din ng ginang na sana ay huwag maging palakasan at maging legal ang proseso kaugnay ng paglaya ni Sanchez.

Mariin naman itong itinanggi ni Panelo sa isang ring panayam sa GMA News.

"Masyadong malayo naman 'yun. 27 years ago pa ako abogado nu'n dati. Even before the appeal, nag-withdraw na ako.

"Pangalawa, as correctly pointed out by Sec. Guevarra, wala... hindi kailangan ng kahit sinong tao lumakad sa release kasi merong batas na nag-benefit si Mr. Sanchez 'yung 11,000 pa," ani Panelo.

Una nang naiulat ng KAMI na wala nang legal na hadlang para makalaya si Sanchez ayon sa DOJ.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!

Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel