Ex mayor na sangkot sa karumal-dumal na krimen, posibleng makalaya -DOJ

Ex mayor na sangkot sa karumal-dumal na krimen, posibleng makalaya -DOJ

-Matapos ang dalawang dekada nang pagkakakulong dahil sa kinasangkutang krimen, posibleng makalaya ang dating mayor na si Antonio Sanchez

-Kasama si Sanchez sa mahigit 10,000 preso na maaaring makalaya sa pagkakakulong dahil sa "good conduct"

-Dahil dito, muling naungkat ang karumal-dumal na krimen ng panghahalay at pagpatay sa dalawang UP students sa Laguna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muli ngang naungkat ang karumal-dumal na krimeng tumapos sa buhay ng dalawang UP students noong June 1993.

Ito ay matapos lumabas ang balita na posible ngang nakalaya si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na sangkot sa malagim na sinapit nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Ayon sa mga ulat na lumabas, mahigit 10,000 preso ang maaaring lumaya dahil sa kanilang "good conduct".

“A plot seemingly hatched in hell,” ganito isinalarawan ni dating Pasig Regional Trial Court Judge Harriet Demetriou ang panghahalay at pagpatay sa mga biktima.

Ayon sa mga lumutang na saksi na parehong bodyguards ni Sanchez nang mga panahong iyon, dinakip sina Sarmenta at Gomez sa loob ng UP Los Banos sa Laguna.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matapos nito ay dinala sa isang farm na pag-aari ni Sanchez at doon ginahasa si Sarmenta na dati na raw natipuhan nito.

Habang si Gomez naman ay binugbog ng mga tauhan nito.

Matapos ang panghahalay sa dalaga, ibinigay na raw nito ang dalaga sa mga tauhan at sinabing tapos na siya rito at ipinaubaya na sa mga ito.

Dinala ng grupo, kasama ang dalawang witness, ang dalawang biktima sa isang liblib na lugar sa Calauan.

Unang pinagbabaril si Gomez at itinapon. Habang si Sarmenta naman ay halinhinan munang ginahasa bago binaril sa mukha ng armalite.

March 14, 1995 nang mahatulan ng guilty si Sanchez kabilang ang anim sa mga tauhan nito ng seven reclusion perpetua o 40 taong pagkakakulong bawat isa.

Matapos ang ilang buwan, dalawang counts pa ng parehong verdict ang ipinataw kay Sanchez sa pagpatay sa mag-amang tauhan ng kalaban niya sa politika.

2006 nang mahulihan naman ito ng mga ipinagbabawal na gamot sa loob ng selda nito. Kasunod nito, nahulihan din ito ng mga gamit sa loob ng selda nito katulad ng aircon at flatscreen TV.

April 2018 nabawi ng Office of the Ombudsman mula kay Sanchez at sa asawa nitong si Elvira ang mga nakaw na yaman.

At matapos ang dalawang dekada, posible na raw makalaya ang pangunahing suspek na si Sanchez.

Ayon sa ulat ng GMA News, wala na raw legal na hadlang para makalaya ang dating mayor ng Calauan, Laguna ayon sa Department of Justice.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!

Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel