Larawan ng GrabFood delivery man, umantig sa puso ng mga netizens

Larawan ng GrabFood delivery man, umantig sa puso ng mga netizens

- Marami ang naantig sa larawan ng GrabFood delivery man na naka-wheelchair

- Patunay lamang daw ito na hindi hadlang ang kapansanan sa taong ayaw maging pabigat kanino man

- Humanga ang mga netizens sa lalaking ito na sana ay mabigyan ng pagkilala dahil sa pinakikitang kasipagan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang larawan ng isang GrabFood delivery man na sakay ng kanyang wheelchair.

Binahagi ito ng netizen na si Gwendilyn Abrico-Dichosa at makikitang naka-uniporme ng Grab ang lalaki at may Food delivery bag ito sa likod ng kanyang wheelchair.

Kwento pa ni Gwendilyn, sumakay daw ang lalaking ito ng bus kung saan sila ay lulan din.

At sa sandaling namalagi ang lalaking ito sa bus ay nakapagbigay na ito ng inspirasyon sa bawat taong naroon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sadyang nakakabilib nga naman ang kasipagan ng lalaking ito na di naging hadlang ang kapansanan sa kagustuhan magtrabaho at di maging pabigat ninuman.

Samantala, nilinaw ng nag-post na kuha ang larawan sa Singapore at hindi dito sa Pilipinas.

Gayunpaman, ilang netizens parin ang naging emosyonal dahil sa labis na paghanga sa lalaking ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga positibong komento:

"He is amazing! God bless him always"
"No excuses talaga. Super inspiring! "
"One of the reasons why I support Grab, they gave opportunities without discrimination."
"Disability does not restraint or limit a person’s ability to earn a living. You are an inspiration."
"I'm so touched!"
"See? Tapos yung iba ang lakas2 nakahilata lang sa kama."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gay Lingo is a huge local phenomenon! Let us see if we can explain the meaning of some slang terms to the rest of the world.

Ano Ang Meaning Ng Dakota Harrison? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel