Presidente Digong, nakiisa sa paggunita ng Ninoy Aquino Day

Presidente Digong, nakiisa sa paggunita ng Ninoy Aquino Day

- Naglabas ng mensahe si Presidente Rodrigo Duterte para sa pagdiriwang ng 'Ninoy Aquino Day'

- Pinaalala ni PRRD ang mga mahahalagang bagay na nagawa ng dating senador upang makamit natin ang tinatamasa ngayong demokrasya

- Sinabi rin niyang magsilbing ehemplo si Ninoy sa mga kapwa niyang nagsisilbi sa gobyerno upang ang kanilang serbisyo ay laging may kalakip na integridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas ang Malacañang ng mensahe mula kay Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita nito ng 'Ninoy Aquino Day' ngayong Miyerkules, Agosto 21.

Binahagi ng Remate ang nilalaman ng mensahe sa pakikiisa ng ating pangulo sa mahalagang araw na ito ni dating Senator Benigno Simeon "Ninoy" Aquino Jr.

Sinabi niyang dapat lamang alalahanin ang mga mahahalagang nagawa ni Ninoy sa pagkamit ng demokrasya ng ating bansa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ang mga sakripisyong nagawa ni Ninoy ay maituturing daw na kabayanihan para sa ating mga Pilipino magpasa-hanggang ngayon.

Dagdag pa ng pangulo na sana'y magsilbing halimbawa ang dating senador sa kanilang mga nakaupo sa gobyerno upang ang kanilang serbisyo ay may kalakip laging dangal at integridad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nabanggit din ng pangulo na sa tatlong taong pagiging Presidente ng bansa, ay kulang pa ang kanyang mga nagawa lalo na pagsugpo ng kahirapan, korapsyon at kawalang hustisya na nagsimula na noon pa mang panahon ng paninilbihan ni Ninoy bilang dating senador.

Hangad din ng pangulo ang masaya at makabuluhang pagdiriwang sa araw na ito.

Taong 1983 nang mapatay si Ninoy sa Manila Internatonal Airport na ngayon ay nakapangalan na sa kanya bilang Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Nangyari ito nang makabalik na siya ng bansa mula sa pagpapagamot sa Estados Unidos kaugnay ng kanyang karamdaman sa puso.

Naganap ito sa kainitan ng pagiging oposisyon nila laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gay Lingo is a huge local phenomenon! Let us see if we can explain the meaning of some slang terms to the rest of the world.

Ano Ang Meaning Ng Dakota Harrison? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel